Rita Daniela at Ken Chan
PLANO na pala talagang mag-quit sa showbiz ang Kapuso actress-singer na si Rita Daniel pero humingi siya ng isang sign kay Lord kung itutuloy nga niya ito.
Hanggang sa ibigay nga sa kanya ng GMA ang isang proyekto kung saan makakatambal niya si Ken Chan na siyang nagpabago sa kanyang desisyon.
“Nagdadasal talaga ako. Kasi, di po ba dati, magpapaalam na po dapat sana ako sa showbiz?
“Tapos, nagdasal po ako, ‘Lord, kung talagang para dito po ako sa showbiz, sige po, push po natin ‘yan.’
“Tapos, nagdasal po ako, ‘Lord, bigyan Niyo po ako ng tamang tao around me,’” pahayag ni Rita sa presscon pagkatapos ng special screening ng Metro Manila Film Festival 2021 entry nilang “Huling Ulan sa Tag-araw” last Dec. 13.
“And then, kanina po, naisip ko, habang pinapanood ko po yung pelikula…paano kung hindi si Ken yun? And I’m just really, really grateful that I am experiencing this moment with him.
“Kasi, kung hindi siya, kaya ko talagang sabihin kay Lord, ‘Lord, kung hindi siya, huwag na lang!’ Kasi, promise po, alam naman po ng lahat kung gaano kahusay na aktor si Ken Chan.
“Kaya hindi rin po ako makakapagbigay ng ganung trabaho kung hindi rin po mahusay yung kaeksena ko po. So, I just want to honor him,” pahayag ng aktres sabay tingin kay Ken at sinabing, “And thank you for everything.”
Reaksyon naman ni Ken na kinilig sa papuri ng ka-loveteam, “Lagi niyang sinasabi sa akin yun actually, pero sinasabi ko po sa kanya, ‘Hindi ako yung dahilan. It’s you.’
“Ganu’n siya kagaling na aktres talaga, and every time, lagi kong ipinapaalala yun sa kanya. Ang masasabi ko lang sa kanya lagi, ‘O, basta huwag lalaki ang ulo mo, ha?!’ Sobrang galing po niyang artista.
“And sobrang blessed ako, and thankful ako na… hindi lang dito sa proyektong ito kundi sa mga proyekto namin sa GMA 7.
“Sabi ko lagi sa kanya na, ‘Hindi ko kakayanin, hindi pa ako handa, hindi pa siguro ako handa na makaparehas ang iba. Kasi, nasanay na ako sa ‘yo, sa amoy mo, sa lahat!’ Ha-hahaha!” sabi pa ng binata.
Pag-amin pa niya, “Alam mo, sa totoo lang, para talagang nagkaroon ka ng totoong girlfriend kapag may love team ka. Kasi, alam mo yun na parang, alam mo yung pakiramdam na kapag may karelasyon ka, sanay ka na sa amoy niya.
“Sanay ka na sa lahat. Ganu’n din pala kapag love team, kapag nakaparehas mo na. Para kang makikipag-break or feeling mo, parang magiging ex mo siya.
“Yung ganu’n ang pakiramdam pag sinabing may makakaparehas kang iba. And sabi ko nga, sa lahat ng mga ginawa kong proyekto, sobrang blessed ako.
“Dahil hindi rin lalabas yung akting ko kung hindi siya yung kasama ko, and I always tell her, ‘I’m very, very blessed and happy na ikaw yung nakakasama ko sa mga project,’” dagdag pang paliwanag ni Ken.
Sa MMFF 2021 entry ng RitKen, siguradong ikabibigla ng kanilang fans ang pasabog nilang love scene, lalo na si Rita na game na game talagang nakipagchurvahan kay Ken.
Kaya naman natanong ang dalaga kung may na-feel ba siya habang ginagawa nila ang intimate scene ng aktor. Sey ni Rita, “Ha?! Bababa na siya pero nakita mo, itinayo. Kasi, ayaw siyang bastusin dahil mahal siya.
“Ganun! Di ba?! Anong naramdaman ko? Masarap!? Ha-hahahaha! Diyos ko, aarte pa ba ako?! Ken Chan ‘yan, ‘no?! Ang gwapu-gwapo, aarte pa ba ako?! Di ba?! Happy to serve!!!” ang diretsahang sey pa ni Rita.
Ang “happy to serve” ay ang isa sa mga linyang siguradong tatatak sa mga manonood ng “Huling Ulan sa Tag-araw.”
https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan
https://bandera.inquirer.net/288084/ken-rita-napagkakamalang-tunay-na-mag-asawa-malalim-na-ang-relasyon-namin