Carmina, Zoren nagkaiyakan sa presscon ng ‘Stories From The Heart’, may matinding pagsubok na pinagdaanan

Carmina Villarroel at Zoren Legaspi

NAGKAIYAKAN ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa nakaraang virtual mediacon ng kauna-unahan nilang teleserye together sa GMA 7.

Bigla na lang napaluha ang Kapuso couple habang hinihingan ng reaksyon sa mga papuring ibinigay sa kanila ni Zig Dulay, ang direktor ng drama series nilang “Stories From The Heart: The End Of Us.”

Ayon kay Direk Zig, hindi nagkamali ang production na kina Zoren at Mina ibigay ang nasabing mini-series na unang tambalan nga ng mag-asawa sa GMA 7.

At habang sumasagot nga si Zoren ay hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon at tuluyan nang bumigay. 

Kasunod nito, inamin niyang may pinagdaanang pagsubok ang kanilang pamilya nang magkasakit ang tatay ni Carmina.

“Well, you know, kaya kasi emotional kasi may pinagdadaanan kami sa family. I guess, I should share it kasi, because, well isa yun sa mga…you know, yung dad ni Mina kasi, iyon, in and out sa hospital. 

“So, kaya iyon isa mga, I guess, kung bakit kami nagiging emotional. Plus yung mga lock-in siguro, laging wala yung mga bata sa bahay,” paliwanag ng aktor na tuluyan nang napaluha.

Sa pagkakaalam namin, katatapos lang ng lock-in taping ng anak nilang si Mavy para sa primetime series na “I Left My Heart In Sorsogon” starring Heart Evangelista, Paolo Contis and Richard Yap.

Si Cassy naman ay balik-lock-in taping uli para sa romcom series na “First Lady” nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

At habang ginaganap ang virtual presscon ng “The End Of Us” ay nasa lock-in taping din si Carmina kaya ang mag-amang Zoren at Mavy lamang ang nasa bahay nila.

Ito raw ang isa sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang-isip silang mag-asawa na gawin ang “Stories From The Heart: The End Of Us.”

“Because ayaw naming mawala sa bahay, ang dalawang magulang mawala sa bahay, so hindi namin dapat tatanggapin.

“And at the same time, you know, kadalasan, kami, kapag kasama ko si Mina sa isang show, we really fight, nagkakaroon kami ng away mismo sa show!

“Because she has her own style, I have my own style. With this one, sabi ko, ‘Hon, sige i-go na natin ‘to. And let’s see, let’s do good and magpakitang-gilas tayo dito,'” katwiran pa ng aktor.

Sumunod namang nagpaliwanag si Carmina na kinumpirma ang pagkakasakit ng ama, “At first, we were excited because it’s not naman every day that we’re given a chance to do a project together. But with what’s happening with my dad…”

Dito na tuluyang napaiyak ang aktres at TV host, “Sorry po.” Nagpatuloy sa pagsasalita si Mina ngunit wala pa ring tigil ang pagtulo ng kanyang luha dahil pahid siya nang pahid ng tissue sa mata.

“At first, gusto talaga naming tanggapin because, like I said, it’s not every day that you’re given a chance to work on such a beautiful project.

“And then, after a while, I said, ‘Hindi ko kaya. It’s either ako or si Zoren na lang, kung gusto ng GMA. Pero kung kami, hindi ko talaga kaya,'” umiiyak pa ring paglalahad ni Carmina.


Actually, nag-try pa rin ang mga bossing nila sa GMA, partikular na sina Annette Gozon-Valdes at Redgie Magno na kumbinsihin sila na gawin ang nasabing project.

“Buti nabigyan pa kami ng pagkakataon na makapag-isip-isip because, I think, sina Ms. Annette ba or sina Tita Redgie or everyone, parang inaano kami na tanggapin namin.

“So, we did a lot of thinking, and then Zoren and I talked na, ‘Sige, Hon, tanggapin na natin. Bahala na. Let’s just pray and leave it all up to God. And let’s just give it our all.’

“And then, we are just very thankful because God really guided us. Siguro sinabi Niya, ‘Gawin niyo na, Ako nang bahala, gawin niyo na.’

“And yes, we are very thankful we said yes to this project and this is really, really very close to our hearts,” kuwento pa ni Carmina.

https://bandera.inquirer.net/288158/carmina-zoren-nagkaiyakan-sa-pag-alis-ni-mavy-we-miss-you-already

https://bandera.inquirer.net/300712/zoren-legaspi-inamin-na-may-third-party-sa-relasyon-nila-ni-carmina-villarroel
https://bandera.inquirer.net/290239/cassy-pinayagan-na-nina-zoren-at-carmina-na-magpaligaw-pero-bawal-pa-ring-mag-boyfriend

Read more...