KINAALIWAN ng mga netizens at kapwa celebrities ang tila “online bardagulan” nina Alex Gonzaga at Isabelle Daza.
Sila Alex at Isabelle ay magkasama sa TV5’s noontime show na “Lunch Out Loud”.
Naunang umatake si Alex nang mag-post siya sa Instagram story niya ng litrato nila ni Isabelle mula sa IG account ng “Lunch Out Loud”.
“Me and marites (laughing emoji) Yes you are the Marites @isabelledaza,” saad ni Alex.
At syempre hindi naman papatalo ang aktres at gumanti sa kapatid ni Toni.
Nag-post rin ito ng litrato nila ni Alex sa kanyang Instagram account.
Makikita sa litrato na bagamat nakangiti si Alex ay nakapikit naman ito na tila hindi pa handa nang kunan sila ng picture.
“I’m that friend that only looks at herself during photo groups. Doesn’t matter if others are blurry or have their eyes shut as long as I look good, its all that matters!!! Tag a friend who does that,”saad ni Isabelle sa caption.
Marami naman sa mga netizens at kapwa artista ang naaliw sa post ng aktres at tila nakakarelate sa sinabi niya.
“Akong-ako si Isabelle!” saad ng isang netizen.
“Parang ako lagi ‘yung sa part ni Alex, laging nabubully sa photos,” comment ng isang netizen.
“Buti na lang sanay na kaming ganyan si Alex,” sey naman ng isang netizen.
Hirit naman ni Billy Crawford, “Hahahah Belle 1 Alex 0.”
Nag-comment naman si Georgina Wilson ng emoji kung saan may babaeng nakataas na kamay at nireplyan naman ni Isabelle ng “@ilovegeorgina for sure ikaw!”
Hanggang saan kaya aabot ang funny bardagulan ng magkaibigan? Knowing Alex, hindi siya papatalo at muli itong babanat na tiyak na magpapasakit sa mga tiyan ng netizens.
Abang-abang na lang tayo!
Related Chika:
Isabelle inulan ng batikos dahil sa suot na ‘vaccinated’ cap; insensitive at iresponsable raw
Isabelle nanganak na sa ika-2 baby nila ni Adrien: Valentin, we are so happy you exist!