“BULLY” kung ilarawan ni Direk Cathy Garcia-Molina ang ka-loveteam ni Kaori Oinuma na si Jeremiah Lisbo sa pelikulang “Love at First Stream” na entry ng Star Cinema sa 2021 Metro Manila Film Festival.
Gagampanan ng baguhang aktor ang karakter ni Gino Bautista — isang heartthrob, achiever, pilyo, torpe at mapagmahal sa magulang.
Sa tanong ni MJ Felipe bilang host ng mediacon ay sino si Jeremiah sa totoong buhay, “Pilyo po,” tipid nitong sagot.
Tuwang-tuwa naman si direk Cathy na panay ang thumbs-up sa sinabing “pilyo” si Maiah (palayaw ng aktor) kaya natanong siya ni MJ at sabi nga niya, “bully” ang artista niya sa pelikula.
“If I were to describe Maiah kasi in one word, the word is bully. Ha-hahaha! Ise-share kong konti,” tawa nang tawang sabi ni direk Cathy.
“Halimbawa nagse-set-up tapos nandoon ako sa table ko kasama ko ang producer may biglang may lalabas na Kaori sa gilid namin lalabas, ‘oh, saan punta?’”
Sagot daw ng dalaga, “Si Maiah po kasi napikon ako.”
Kaya tinanong ng direktor ang aktor kung ano ang ginawa kay Kaori, “Wala direk, nagbibiruan lang kami.” Wala namang iyakan level, asaran lang, kasama rin si Anthony (Jennings) sa nang-aasar.
Slight “nilaglag” ni direk Cathy si Jeremiah kaya tinanong naman ang binata kung ano ang memorable moments niya sa kanilang direktor.
“Sobrang memorable sa akin ‘yung mga eksenang mino-motivate ni direk ‘yung mga aktor. Grabe, nakaka-amaze. Ako kasi nanonood ako kapag hindi ko take talagang sinusulat ko si direk Cathy kasi ibang klase, ibang klase mag-direk si direk Cathy.
“Talagang hindi siya susuko, eh, kapag hindi niya ma-achieve ‘yung emotion na makita, sobrang amazing lang,” magandang paglalarawan ng pilyong aktor.
Nakatitig naman si direk Cathy habang ikinukuwento siya ni Jeremiah at inakalang ilalaglag siya pero hindi pala, “Na-judge kita ro’n. Ha-hahaha!”
Anyway, sobrang saya ng aktor na napasama ang “Love at First Stream” sa MMFF 2021 dahil pangarap pala niya ito noong hindi pa siya artista kaya naman abut-abot ang pasalamat niya sa lahat.
Sabi ni Jeremiah na basag ang boses, “Ngayon nandito na ako, nasama sa MMFF na ginagawa namin ng kapamilya ko bago i-celebrate ang Pasko.
“Alam ko sobrang cliché na blessing, grateful pero totoo, eh. Na-experience ko rin maging talent, rejection tas audition…wala, eh (sabay iling).
“Salamat, salamat sa tiwala Inang (Olive Lamasan), Star Magic, Rise Artist, Sir Mico (del Rosario) salamat sa pagtiwala at paggabay n’yo sa amin and I hope marami kayong mapulot na aral sa pelikulang ito, ayun po, direk Cathy salamat (pigil ang luha) salamat direk!”
Dagdag pa, “Maraming, maraming salamat po sa mga manonood, sa mga press po, salamat po sa time n’yo at pagsuporta. ‘Love at first Stream’ mo, mapapanood na natin sa cinema, sa wakas po ang tagal-tagal na nitong cinemas na wala.
“Gusto ko lang po talagang magpasalamat sa Star Cinema at sa Nickl (Entertainment), kayong bumuo ng pelikulang ito salamat sa inyo. I hope marami tayong ma-inspire especially sa Gen Z para sa inyo ‘to sana may matutunan kayo dito,” aniya pa.
https://bandera.inquirer.net/294501/jeremiah-lisbo-sa-kabataan-dapat-alam-mo-ang-ipinaglalaban-mo-at-kung-kanino-ka-papanig
https://bandera.inquirer.net/285258/cathy-molina-iniwan-na-nga-ba-ang-abs-cbn-at-star-cinema-dahil-kay-willie
https://bandera.inquirer.net/299817/anak-ni-cathy-molina-pinapalo-ng-yaya-imbes-na-magalit-ako-sa-kanya-nagalit-ako-sa-sarili-ko