DEAR Aksyon Line:
Good day po. Mag inquire lang po ako kung kailangan ba talaga magpasa ng funeral claim before mag process ng death claim? Kung ang funeral po ay hindi ang claimant ang nagbayad at wala sa kanya ang papel ng mga resibo at hindi niya makuha, ano pa po ba ang pwede gawin para makapag claim ng death? Thanks.
Miss Jennifer
REPLY: Ito ay bilang tugon sa katanungan na ipinadala ni Ms. Jennifer ukol sa pag-file ng death claim.
Nais naming ipaalam kay Ms. Jennifer na maaaring mag-file ng application para sa death benefit kahit na hindi pa na-claim ang funeral benefit.
Nasabi ni Ms. Jennifer na hindi ang claimant ng death benefit ang nagbayad ng funeral expenses ng namatay na miyembro.
Pinapayuhan namin ang claimant na mag-file ng kanyang death claim at ipaliwanag na lamang sa branch kung saan siya magpapasa ng application ang sitwasyon kung bakit hindi pa na-claim ang funeral benefit.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ni Ms. Jennifer.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
Media Affairs
Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!