Beatrice Gomez nakauwi na sa Pinas, sinalubong ng members ng Philippine Navy

Beatrice Luigi Gomez

SINALUBONG ng mga miyembro ng Philippine Navy si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi sa pagbabalik niya sa Pilipinas kagabi, Dec. 15.

Isang Navy reservist si Beatrice kaya naman todo rin ang suportang ibinigay sa kanya buong tropa ng Philippine Navy at sila pa mismo ang nag-welcome sa dalaga sa pag-uwi nito mula sa Eilat, Israel kung saan ginanap ang ika-70 edisyon ng Miss Universe.

Hindi man naiuwi ni Bea ang titulo at korona, bitbit pa rin niya ang karangalan bilang bet ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant kung saan bonggang-bongga pa rin niyang naibandera ang bansa.

Umabot hanggang sa Top 5 finalists si Bea kasama ang mga representative ng India, South Africa, Paraguay at Colombia.

Dumating ang dalaga bago mag-7 p.m. sa NAIA Terminal 3 sakay ng Turkish Airlines na mula sa Tel Aviv, Israel.

Wala nang naganap na mediacon sa pagdating ni Bea bilang pagsunod pa rin sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan dulot pa rin ng COVID-19 pandemic. 

At dahil nga isa siyang international passenger kailangan pa rin niyang sumailalim sa mandatory quarantine.

Nakapagpasalamat naman ang dalaga sa pagmamahal at suporta ng sambayanang Filipino sa pakikipaglaban niya sa Miss Universe 2021. 

“Thank you so much for the love and support. Mabuhay po kayong lahat. Thank you sa lahat ng sumusuporta sa akin sa Miss Universe journey ko, I won’t be able to make it to top 5 if not for your support,” aniya pa.

Ayon sa isang ulat, may balak naman daw ang Miss Universe Philippines Organization na magkaroon ng pa-motorcade para kay Bea bilang bahagi ng pagpaparangal sa kanya.

Ang itinanghal na 2021 Miss Universe ay si Haznaar Shandu ng India na naging malapit din kay Bea habang nagaganap ang pageant dahil sa pagiging roommates nila.

https://bandera.inquirer.net/294653/bea-gomez-utang-ang-pagkapalo-sa-2021-miss-universe-ph-sa-mga-taong-hindi-nagduda-sa-kanya

https://bandera.inquirer.net/294387/photos-ni-miss-universe-ph-2021-beatrice-gomez-bilang-reservist-trending
https://bandera.inquirer.net/294653/bea-gomez-utang-ang-pagkapalo-sa-2021-miss-universe-ph-sa-mga-taong-hindi-nagduda-sa-kanya

Read more...