Pagbasa ng sakdal kay Tony Labrusca sa kasong ‘acts of lasciviousness’ ikinatuwa ng saksi

Tony Labrusca

HUMARAP ang Kapamilya actor na si Tony Labrusca sa Makati Regional Trial Court kamakalawa para sa arraignment nito o pagbasa ng sakdal sa kinakaharap na kasong acts of lasciviousness.

Ito’y ibinalita ng negosyanteng si Drake Ibay sa pamamagitan ng kanyang social media account. Siya ang tumatayong witness ng kaibigang babae na nagdemanda kay Tony matapos umano siyang bastusin nito.

Nangyari umano ang insidente sa isang party na ginanap sa bahay ng pamilya ni Drake sa Dasmariñas Village, Makati City, noong Jan. 16, 2021. Talagang idinetalye ng complainant sa kanyang statement ang ginawa umano sa kanya ni Tony.

Ayon kay Drake, binasahan na ng sakdal ang hunk actor nitong nagdaang Martes, Dec. 14 kaya tuwang-tuwa siya at nakapagbitiw ng mga salitang, “Justice Being Served.” Kasama raw ni Tony sa arraignment ang kanyang inang si Angel Jones.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng pangunahing saksi sa kaso na natagalan ang arraignment ng dahil sa “delaying tactics” ng kampo ng hunk actor.

Narito ang matapang na pahayag ni Drake sa kanyang IG, “Today, I was informed by my friend who is the victim of Tony Labrusca’s lewd acts that he was finally brought to court to be read the charges against him.

“Despite his counsel’s last ditch effort to delay the arraignment, the judge refused to allow the delaying tactics.

“All of us who had always been behind her supported by our legal team are so happy and elated with this development,” lahad nito.


Dagdag pa niyang pahayag, “News, such as this, gives hope to victims of abuses like her that justice can swiftly and fairly be achieved despite and inspite of going against a more powerful and influential person such as Mr. Labrusca.

“This is not just a small victory but also a significant one for us as we inch closer to bringing Mr. Labrusca to face the consequences of his criminal acts,” aniya pa.

“Calling also the public to not spread HATE. Let’s let justice and the Honorable Court to run its course. Let’s pray for everyone involved,” pagtatapos ni Drake.

Ayon sa ulat, ang susunod na pagdinig sa kaso ni Tony ay nakatakda sa February, 2022.

Bago ito, ipinagdiinan ng abogado ni Tony na walang kasalanan ang aktor, inosente raw ito at “unfounded” ang acts of lasciviousness case na isinampa laban sa aktor. Naghain na rin daw sila ng motion for reconsideration sa kaso matapos magpiyansa.

Bukas ang BANDERA sa magiging paglilinaw ng mga taong involved sa kaso.
https://bandera.inquirer.net/297796/tony-labrusca-nagpiyansa-para-sa-acts-of-lasciviousness-case-complainant-umalma
https://bandera.inquirer.net/283097/tony-umaming-napraning-nang-magka-covid-19-barbie-may-malalim-na-hugot-para-sa-pamilya
https://bandera.inquirer.net/288211/pwede-rin-akong-mag-romcom-na-hindi-ko-kailangang-magpakita-ng-katawan

Read more...