Yassi Pressman rumesbak sa body shamers, umamin sa tunay na timbang: Love yourself!

Yassi Pressman

MARAMI ang nakakapansin na medyo nagge-gain ng weight ang actress-dancer at TV host na si Yassi Pressman.

Ngunit mukhang hindi naman apektado ang dalaga sa mga  natatanggap na negative comments mula sa mga netizens na pumupuna sa kanyang katawan.

Sa kanyang Instagram page, nag-share ng isang video clip si Yassi na may caption na, “Some say I’ve already gained my holiday weight even before the holidays began.”

Dito, sinagot nga ng Kapamilya actress ang mga nang-ookray at nangnenega sa kanyang itsura at katawan.

“Currently 127 lbs & I’ve always been 118-120 ever. But whatever,” pag-amin ni Yassi about her weight.


Aniya pa, mas mahalaga pa rin ang pairalin ang self-love at huwag masyadong magpaapekto sa pangnenega ng ibang tao.

“Here’s a reminder that’s it’s okay. Don’t be hard on yourself when you’re not always at your best, just love yourself, stay on track and get back. (When you’re ready),” dagdag na mensahe ng dalaga.

In fairness, mukha lang mataba si Yassi sa mga litrato pero kapag nakita n’yo siya sa personal tamang-tama lang ang kanyang timbang.

Nakita at nakachikahan pa namin si Yassi kamakailan sa special preview ng bago niyang pelikula, ang “More Than Blue” kasama ang leading man niyang si JC Santos at seksing-seksi nga siya sa suot niyang OOTD.

Bago ito, ilang linggo ring nag-stay si Yassi sa isla ng Siargao para sa kanyang inaasam-asam na much-needed vacation kung saan nakasama pa niya ang kaibigang si Andi Eigenmann at ang pamilya nito.

Read more...