#Walang ganern mars: Chikang nagbalikan na ang dating magdyowa sa showbiz fake news

PINALAGAN ng kampo ng isang kilalang aktor ang viral video na nagsasabing okay at nag-uusap na sila ng kanyang ex-girlfriend na aktres.

Mariin din nilang idinenay ang tsika na nagkabalikan na ang ex-couple.  Umabot na kasi sa ilang libong views ang nasabing video sa YouTube.

“Fake news ‘yan!” bungad ng aming kausap nang tanungin namin kung totoong nag-uusap at nagkaayos na ang dating magkarelasyon.

Aniya pa, paano raw mag-uusap ang aktor at aktres, e, putol na ang kanilang komunikasyon — as in walang effort ang dalawa na magkaroon uli sila ng komunikasyon. 

“Pareho silang busy, di ba? Paano mag-uusap saka si _____ (aktor) walang time kasi nga ang dami niyang work.

“Saka may record na ba si _____ (aktor) na bumabalik sa ex? Di ba, wala? Kasi kapag nawalan na siya nang gana at trust lumalayo na siya,” say ng aming source.

Sa kasalukuyan ay abala si aktor sa mga inilatag na trabaho ng TV network kung saan siya nakakontrata, “Kahit pagod, nag-eenjoy siya sa ginagawa niya kasi sunud-sunod tapos may weekly pang hosting job sa (online store).”

Sa tanong namin kung mahal pa ng aktor ang ex-girlfriend, “Nu’ng una halatang affected, pero ngayon parang wala na, normal na siya uli. Parang hindi nga galing sa break-up.”

Tungkol naman sa ex-girlfriend ni aktor ay wala ring bakas na nalulungkot ang dalaga o feeling broken hearted dahil sa ilang events na nakikita siya ay masaya at nakikipagbiruan pa sa mga kausap.

Eh, the feeling is mutual naman pala kina aktor at aktres dahil pareho na silang naka-move on. 

For sure darating din ang araw na kapag nagkita ay baka magkatawanan na lang sila sa mga pinagdaanan nila.

https://bandera.inquirer.net/294971/aktor-na-nasisisi-sa-hiwalayan-nila-ng-magandang-aktres-magsasalita-na-aaminin-kayang-si-girl-ang-unang-mangaliwa

https://bandera.inquirer.net/290672/liza-nagsalita-ukol-sa-kumakalat-na-fake-news-sa-kanyang-business-may-payo-sa-kapwa-business-owners

Read more...