5.3 lindol yumanig sa ilang bahagi ng Luzon

quake

Isang 5.3 magnitude na lindol ang tumama sa karagatan sa pagitan ng Batangas at Mindoro sa ganap na 5:12 ng hapon ngayong Lunes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman ang lindol sa sumusunod na lugar:

 

May lalim itong 99 kilometro sa lokasyong 24 kilometro sa timog kanluran ng Calatagan.

Habang sinusulat ang balitang ito, walang naiulat na nasaktan o pinsala na likha ng lindol.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa tinatawag ng Pacific “Ring of Fire” kung saan ang mga tectonic plates ay nagkikiskisan na siyang lumilikha ng madalas na pag-aalburuto ng bulkan at pagyanig ng lupa.

 

Read more...