Bea Gomez laglag sa 2021 Miss Universe Top 3; South Africa, India, Paraguay laban-laban sa final round

Bea Gomez

NABIGONG makapasok sa Top 3 ang representative ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 pageant.

Umabot hanggang sa Top 5 finalists ang Pinay beauty queen kasama sina Miss Paraguay  Nadia Ferreira, Miss India Harnaaz Kaur Sandhu, Miss South Africa Lalela Lali Mswane at Miss Colombia Valeria Ayos.

Maraming nagkomento na hindi sila masyadong na-impress sa naging sagot ni Bea sa ibinigay na tanong sa kanya na may kinalaman sa COVID-19 vaccine.

Ang tanong ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere kay Miss Philippines, “Given the ever-changing COVID situation, what is your opinion of mandating a universal vaccine passport?”

Aprub daw ito kay Bea kung kinakailangan, “Public health is everyone’s responsibility. To mandate vaccine inoculation is necessary.

“If mandating vaccine passport will help us in regulating the rollout of vaccines and mitigate the situation of the pandemic, I agree in mandating the passport vaccination,” sagot pa ng Cebuana beauty queen.

Na-shock at nanghinayang din ang backstage hosts na sina Miss USA 2019 Cheslie Kryst at TV star Carson Kressley na hindi nakapasok sa Top 3 si Bea.

Ang napiling Top 3 na maglalaban-laban sa next round ay sina Miss South Africa Lalela Lali Mswane, Miss India Harnaaz Kaur Sandhu, at Miss Paraguay Nadia Ferreira.

Sumalang ang final 3 sa huling question-and-answer portion na siyang magiging last challenge sa kanila para malaman kung sino ang karapat-dapat na tanghaling Miss Universe 2021, first runner up at second runner-up.

Read more...