Hugot ni Barbie sa 1st anniv nila ni Diego: You taught me how to be strong…I love you so much!

Barbie Imperial at Diego Loyzaga

MULING ibinandera ng controversial celebrity couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial ang abot-langit na pagmamahal nila para sa isa’t isa.

Matapos ngang masangkot sa kontrobersya ang magdyowa nitong nakaraang linggo dahil sa pagkakaugnay ni Diego sa sexy star na si AJ Raval, very proud nilang in-announce na isang taon na rin ang kanilang relasyon.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ibinahagi ni Barbie ang mensahe niya kay Diego para sa selebrasyon ng kanilang first anniversary.

Nag-post ang Kapamilya young actress ng ilang sweet photos nila ni Diego together na kuha sa ilang lugar na kanilang binisita nitong mga nagdaang buwan.

Aniya sa caption, “Happy first anniversary, mahal! Since the day we met you’ve never stopped showing me how much you love me, how much you care for me.”

Pagpapatuloy ng dalaga at lead star ng bagong Vivamax original movie na “Dulo”, “I am so thankful for you. You know how to make me happy (and make me bwisit loool).

“I am thankful for when you cook food for me, when you surprise me, when you feed me burgers & fries, your gifts and all the random ways you shower me with love,” mensahe pa ni Barbie.


Napakarami rin daw niyang natutunan sa isang taon nila ng boyfriend at isa na nga riyan ang pagmamahal at pagrespeto sa sarili bago ang ibang tao.

“You taught me how to be strong. How to be okay even when I’m alone. You made me feel and believe that I am enough, and perfect just the way I am.

“You taught me how not to care about anyone but the people who love me. 

“You taught me so much about reality and how sometimes there’s more magic in it than fantasy,” aniya pa.

Sa huling bahagi ng IG post ni Barbie, sinabi ng aktres na super happy siya na nagkaroon siya ng boyfriend  na tulad ni Diego na itinuturing din niyang best friend.

“Excited for future adventures with vou mahal ko. I love vou so much,” pahayag pa ni Barbie.

Nangako naman ang hunk actor na mananatili siya sa buhay ng girlfriend bilang “partner in crime”, “best friend” and “lover.”

https://bandera.inquirer.net/298864/minsan-nagkakapikunan-din-kami-ni-diego-mapang-asar-kasi-siya

https://bandera.inquirer.net/298279/barbie-ikinumpara-ni-diego-kay-teresa-shes-maternal-sobrang-caring-niya-like-a-mom

Read more...