Alexa pinaka-bossy na housemate para kay Chie; si Madam Inutz ang piniling ‘big winner’

Alexa Ilacad at Chie Filomeno

MATAPANG na itinuro ng Star Magic artist na Chie Filomeno ang young actress na si Alexa Ilacad bilang pinaka-bossy na housemate ngayon sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.”

Ayon kay Chie, naturalesa na umano kay Alexa ang ganu’ng ugali base na rin sa naging experience niya habang magkasama sila sa “PBB” house bilang celebrity housemates.

Noong Nov. 27 ay na-evict na sa “PBB” house si Chie habang nananatili pa rin sa loob ng Bahay ni Kuya si Alexa kahit ilang beses nang naging nominado for eviction.

Sa guesting ni Chie sa nakaraang episode (Dec. 9) ng Kapamilya morning show na “Magandang Buhay” diretsahan niyang sinagot ang tanong ng host na si Melai Cantiveros si Chie kung sino sa mga housemates ang “pinaka-bossy.”

Nag-explain muna ang dalaga bago banggitin ang pangalan ni Alexa, “Kasi naiintindihan ko yung pagiging bossy niya also.

“Kasi all her life, gusto niya talagang planned out din yung kung ano yung mangyayari. So, for me, si Alexa talaga,” aniya.

Katwiran pa ni Chie kung bakit si Alexa ang napili niya, “Yung authority kasi talagang nandiyan sa personality niya, which is really nice kasi very well planned din kung ano yung gusto niyang mangyari.”

Nang tanungin kung sino sa tingin niya ang pinaka-deserving maging Big Winner, diretsong sagot ni Chie ay si Madam Inutz, ang social media influencer na nakilala dahil sa nakakaaliw na style niya sa pag-o-online selling.

Ito’y sa kabila nga ng naging kontrobersyal na pahayag noon ni Madam Inutz nang i-nominate niya si Chie dahil puro pagpapaganda lang daw ang alam nitong gawin.


Sey ni Chie, never siyang nagalit lay Madam Inutz kahit ni-nominate siya nito, “Lahat ng pinagdaanan niya, she’s really a strong woman, and she’s a single mom, and alam ko lahat ng pinagdaanan niya.

“So, for me, siya pa rin ang Big Winner ko kahit nasabi niya nga na puro ganda lang ako. Pero ganda tin naman talaga ako. Charing!” ang natawang biro ng dalaga.

“Nagulat ako at first, pero naintindihan ko rin ang nararamdaman, o yung position kung nasaan si Madam, kasi we’ve all been there.

“Yun ang sinasabi namin… kung meron masamang ugali sa inyo, madali sanang mag-nominate, pero wala din kasi talaga.

“Kasi, at the end of the day, kailangan talaga mag-nominate po. So, maiintindihan ko naman po din kung bakit ako na-nominate din,” paliwanag pa ni Chie.

Naniniwala rin siya na kahit paano ay may naibahagi rin siyang kabutihan at positibong mga bagay sa loob ng PBB house.

“Hindi siya nakaapekto in a sense that alam ko kasi kung ano yung nagagawa ko, or nao-offer ko po sa loob ng Bahay ni Kuya, and yung ibang housemates nakikita iyon,” chika pa ni Chie.

https://bandera.inquirer.net/298797/chie-filomeno-mine-message-na-ni-kyle-bago-pa-sila-pumasok-sa-pbb

https://bandera.inquirer.net/299919/chie-filomeno-tumigil-sa-pagsasayaw-matapos-ma-bash-dahil-sa-viral-video

Read more...