Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

Cristy Fermin kinumpirma ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Isabel Santos

KINUMPIRMA na ni ‘Nay Cristy Fermin sa online show niyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika na nitong Biyernes na girlfriend na ni John Lloyd Cruz ang painter na si Isabel Santos na apo raw ng award-winning cartoonist, illustrator at fine arts painter na si Mauro Malang Santos.

Base sa kuwento ni ‘nay Cristy, “Alam ko si Tita Nene Ulanday ay mabubulabog tungkol kay John Lloyd Cruz. Marami pong umiikot na kuwento ngayon na may bago na pong karelasyon itong si JLC at ito raw po ay isang pintor.

“Tita Nene, anak ni Soler at saka ni Mona ang sinasabing girlfriend niya ay si Isabel Santos. Siya po ay apo ng namayapang magaling na pintor na si Ginoong Mauro Malang Santos.

“Kaya pala lately ang daming nagsasabi sa akin na, ‘uy ang hilig hilig na sa obra ni John Lloyd Cruz, marami na siyang ano collections. Yun pala siguro nga malapit sila nitong si Isabel.”

Pero sa pakiwari ng batikang manunulat at online host ay hindi bagay sina Lloydie at Isabel.

“Hindi ko gusto ‘yung picture nu’ng Isabel parang ang lungkot-lungkot, napakalungkot parang hindi sila bagay ni John Lloyd.

“Tita Nene, text mo nga ako kung ano ang totoo dito. Kasi si tita Nene ay nagtrabaho sa mismong gallery ni ginoong Maulo Malang Santos. Pinsan ni tita Nene ang wife ng namayapang pintor.

“At meron din akong obra nitong sina Soler, si Mona. Akala ko nga tita Nene, anak siya ng anak-anakan kong si Jimmy Ruiz hindi pala,” kuwento pa ni ‘nay Cristy.

Nabanggit pa na ipinakilala na ni JLC si Isabel sa mga kaibigan niya sa party ng management company nina Maja Salvador at Rambo Nunez kung saan isa ang aktor sa contract artist.

Habang nagpapalitan ng kuro-kuro sina ‘nay Cristy at Romel tungkol kay John Lloyd na nakitang masayang-masaya ngayon ay may nag-text sa una.

“Si tita Nene Ulanday ang nagkumpirma. Pakinggan po natin ito, ‘yung mga nasa diyaryo ngayon may question mark pa.

“Tita (Cristy), confirmed na sila (JLC at Isabel) na nga. Madalas nga si John Lloyd ngayon kina Soler. Si Soler at si Mona ay pintor, anak at manugang ni ginoong Mauro na dakilang magulang naman ni ano, “ pahayag ni ‘nay Cristy sa kanyang online show.

Nabanggit pa na nagsisimula palang sa kanyang painting career si Isabel. Kung dati raw ay into photography si John Lloyd ngayon namay ay obra na ang kinukulekta.

“Ayan tita Nene kinumpirma mo na ha. Naku baka makipagputulan ka rin ng daliri rito tulad kay Derek (Ramsay) at kay Ellen (Adarna) ah?,” nakangiting sabi ni ‘nay Cristy.

 

Related Chika:
John Lloyd dumalo sa isang Christmas party kasama ang rumored dyowa?

Read more...