Nadine Samonte muling nakasama ang pamilya matapos manganak

Nadine Samonte muling nakasama ang pamilya matapos manganak

NAKAUWI na ang dating aktres na si Nadine Samonte sa kanilang tahanan kasama ang newest additional member sa kanilang pamilya na si Baby Harmony.

Ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram account ang kauna-unahan nilang family picture buhat nang ipanganak niya si baby Harmony.

“So happy to be home. Our first family picture with Harmony. Love you my fam,” saad ni Nadine.

Sa litrato ay makikitang nakaupo ang pamilya sa sahig at may banner sa background na halatang gawa nina Heather at Titus sa tulong ng kanilang Daddy.

Ngunit bago ang kanilang pag-uwi ay isang screenshot ng kanilang videocall ang ibinahagi ng dating aktres kung saan kita ang pag-iyak ng panganay nilang anak na si Heather.

“I miss you too so much my Heather. Konting tiis na lang. Ahhhhhh it breaks my heart when I see her cry,” sabi ni Nadine

” Umiyak na rin ako kagabi. I wanna go homevba din pero konting araw na lang. Love you so much my fam,” dagdag pa niya.

At dahil nakauwi na ang mag-ina mula sa pamamalagi sa ospital ay paniguradong mas masaya na si Heather lalo pa’t masisilayan na rin niya ang kanyang baby sister.

Hindi naging madali ang pagbubuntis ni Nadine ky baby Harmony lalo na’t may sakit itong Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) at Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS).

Nitong Nobyembre ay isinugod ang dating aktres sa hospital sa preterm contractions na nararamdaman niya.

Ngayon ay maluwag na ang pakiramdam ng pamilya lalo na’t malayo na sila sa panganib at nailuwal naman niya nang maayos ang napakaganda at napakalisog na si baby Harmony.

Related Chika:
Nadine Samonte isinilang na si Baby Harmony: Grabe ang journey ng 3rd ko pero we survived!

Read more...