Chie Filomeno tumigil sa pagsasayaw matapos ma-bash dahil sa viral video

Chie Filomeno tumigil sa pagsasayaw matapos ma-bash dahil sa viral video

Chie Filomeno | SCREENSHOT

PARA sa dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate na si Chie Filomeno, naging pinakamabigat na hamon ng kanyang buhay ang pagiging viral ng isa niyang video ilang taon na ang nakararaan.

“The ‘fiasco’ with the ‘Girltrends,’ nagkamali-mali kami, dalawang taon akong hindi sumayaw on live TV dahil sa bashing,” pag-amin ni Chie sa virtual media conference kamakailan, kung saan inilunsad siya bilang Ginebra San Miguel 2022 calendar girl.

“Dahil sa nababasa mo everyday, maniniwala ka. Naging sad ako,” patuloy pa niya.

Ngunit sinabi ng aktres at social media content creator na nagsikap siyang bumangon, “I don’t want to give them that power. I will dance again. This is my passion.”

“Passion ko iyon. I veered away because of mga taong hindi ko kilala, hindi alam ang paghihirap mo. I want to prove them wrong,” sabi pa ni Chie.

Kausap ni Vince Velasco (itaas, kaliwa) si Chie Filomeno (ibaba, kaliwa) sa virtual media conference na naglulunsad sa aktres at social media content creator bilang bagong Ginebra San Miguel calendar girl. | SCREENSHOT

At ngayong napili nga siyang maging cover girl para sa isang kalendaryo, at makahanay ang mga tulad nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, Anne Curtis at Marian Rivera sa kabila ng mga panlalait, panyuyurak at batikos na natanggap niya, umaasa si Chie na magiging inspirasyon din siya sa mga kapwa niya babaeng binubugbog ng pagkakataon.

“I can show the petite women like me that they can also achieve their dreams. I’ve been told I’m too skinny, I’m too small, mukha akong mahina,” paglalahad niya.

Ngunit nagpamalas umano siya ng lakas sa pamamagitan ng pag-aangkin sa sarili niyang katawan, at pagkakaroon ng tapang na gawin at abutin anuman ang naisin niya.

Bukas din umano siya sa mga bagong pagsubok, “Bata pa lang ako, marami na ako peklat. Hindi ako takot.”

Nakatulong din umano sa mga pagharap niya sa mga hamon ng buhay ang pamilya niya. At dahil nga dalawang Kapaskuhan nang umiiral ang pandemyang bunga ng COVID-19, tiniyak ni Filomeno na makakapiling niya ang mga mahal sa buhay sa pagdiriwang ng Pasko.

“Tradisyon na nating mga Pilipino na every Christmas we spend with our family. My priority is to spend it with family,” pagbabahagi niya.

At kung may hiling man siya sa bawat tao, ito ay “never judge people, be kind.”

Related Chika:
Chie Filomeno ibinandera ang sexy body bilang 2022 calendar girl

Read more...