Marian may 1 katangiang hahanapin sa susunod na Miss Universe, ano kaya yun?

Dingdong Dantes at Marian Rivera

“TAPANG” bukod sa kagandahan at talino ang hahanapin ng Kapuso actress-TV host na si Marian Rivera sa mga maglalaban-labang kandidata para sa 2021 Miss Universe pageant.

Nasa Eilat, Israel na ngayon si Marian na isa nga sa mga napiling judge para sa taunang international beauty pageant. Kasama niyang dumating doon ang asawang si Dingdong Dantes with her glam team.

Ayon kay Marian, excited na siyang makita at makilala nang personal ang mga kandidata sa ika-70 edisyon ng Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa darating na Dec. 12.

Sabi ng misis ni Dingdong, given na raw naman ang beauty and brains ng mga kandidata pati na rin ang pagkakaroon ng mga adbokasiya, kaya isa pa sa mga hahanapin niya sa magiging Miss Universe this year ay ang katapangan at paninindigan.

“Ayokong sabihin na may hahanapin ako kasi parang mas excited ako na pumunta doon para mas ma-appreciate ko at masaksihan ko ang mga kagandahan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” ani Marian sa panayam ng “Unang Hirit” kamakailan.

“Siguro hindi lang ‘yung kagandahan nila pero ‘yung tapang din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng mga radikal na pagbabagong nangyari sa atin dahil sa pandemya,” sey pa ni Marian bilang isa nga sa mga miyembro ng selection committee ng pageant ngayong 2021. 


Samantala, siguradong mas magiging memorable kay Marian ang pagiging judge sa pinakasikat na beauty pageant sa buong universe dahil kasama pa niya ang asawang si Dingdong sa Israel.

Sabay na nagtungo ang Kapusp royal couple sa Eilat kamakalawa base na rin sa kanilang mga ipinost na litrato sa Instagram stories na kuha sa loob ng eroplano with matching face mask pa rin.

Ito ang unang pagbiyahe ng DongYan sa ibang bansa mula nang magkaroon ng pandemya kaya naman super excited talaga ang mag-asawa. Siniguro naman daw nila na may mag-aalaga at mag-aasikaso sa dalawa nilang anak.

Nauna rito, sinabi ng management team ni Marian, ang Triple A, na pinamumunuan ni Direk Mark Tuviera, “handpicked” talaga ang aktres ng Miss Universe Organization para maging bahagi ng selection committee.

“Nu’ng um-oo si Marian, she was vetted by the Miss Universe Organization so nakita nila syempre ‘yung massive social media presence niya and everything, so sila ‘yung lumapit and talagang nagpaalam on how to reach Miss Marian,” ani Direk Mike.

Sabi naman ni Marian, “Minsan ka lang siguro mabigyan ng pagkakataong makabilang sa isang mahalagang okasyon kung saan doon magsasama-sama lahat, at siyempre, bitbit mo ‘yung bandila ng Pilipinas.” 
https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko
https://bandera.inquirer.net/299479/marian-napiling-judge-sa-miss-universe-2021-sabi-ko-talaga-ba-ako-totoo-ba-yan

Read more...