Bitoy nagluluksa sa pagkamatay ng alagang ibon: Lahat kami sa bahay, nag-iyakan…

Michael V at Pepper

IPINAGLULUKSA ngayon ng Kapuso comedian at content creator na si Michael V pati na ng kanyang pamilya ang pagkamatay ng alaga niyang ibon.

Ramdam na ramdam ang matinding lungkot na nararamdaman ngayon ng comedy genius matapos malamang namatay na ang kanilang bird na inatake raw ng pusa.

Ibinahagi ni Bitoy sa Instagram ang mga litrato at video ng nasawing ibon na isang sun conure na pinangalanan niyang “Pepper.”

Aniya sa caption, “It’s our first time losing a pet after a long while. Hindi yung nawala or naligaw or ninakaw kundi ‘namatayan’ ng alaga.”

Kuwento pa ng komedyante, talagang naging bahagi na si Pepper ng kanilang pamilya kaya nga nang una raw itong lumipad palayo sa kanilang bahay at hindi umuwi sa kanila ng ilang oras ay super affected sila.

Kaya tuwang-tuwa sila nang umuwi si Pepper kinabukasan. Sey ni Bitoy, “We were kinda assured na hindi na uli siya aalis. Plus, we found out that they can live up to 30 years or so kaya we were confident that he’ll be around us for a long time.

“Then today, December 6, around 3pm, ‘yun na…nadala daw si Pepper ng pusa,” ang malungkot na pagbabahagi pa ni Michael V..


Kuwento raw sa kanya ng kanilang kasambahay, lumipad sa bakuran ang ibon hanggang sa atakihin ng pusa. 

“I held Pepper’s lifeless body in my hands. May patak pa ng dugo ‘yung makulay na feathers niya. He was still warm and his eyes were half open but he wasn’t moving.

“Had I known how to perform CPR for birds, baka sinubukan ko eh. Lahat kami sa bahay, nag-iyakan,” ang malungkot pang pahahag ni Bitoy.

Si Pepper daw ang isa sa mga nagpasaya sa kanila noong panahon ng lockdown. Marunong din daw itong humalik at nakikitawa rin sa kanila.

“And for a tiny creature, I never thought he’d be able to express love and gratitude but surprisingly, he did!

“Naramdaman naming lahat na mahal niya kami. And now that he’s gone, I realize na wala talaga sa size, gender or even species ang pagmamahal. Basta nagmahal ka and they love you back, that’s all that actually matters.

“Hindi yung nawala or naligaw or ninakaw, kundi ‘namatayan’ ng alaga.

“I realize ang sakit pala. I never expected losing a pet can be this heartbreaking,” ani Bitoy. “We love you, Pepper and we’re going to miss you. We all wish you could’ve stayed for a little longer. Goodbye forever. Now you are truly free,” mensahe pa ni Bitoy.
https://bandera.inquirer.net/295802/bitoy-kasambahay-nabiktima-ng-online-scammer-kapag-hindi-nyo-in-order-just-say-no

Read more...