HUMINGI ng paumanhin ang “The Voice Kids” grand champion na si Elha Nympha sa mga na-offend nang gayahin niya ang paraan ng pananalita ng mga Indian.
May isa kasing netizen na nag-comment at nagpakilalang taga-India siya sa live video ng dalaga kasama sina Francine Diaz at Jayda Avanzado.
Dito ay pabirong ginaya ni Elha ang paraan ng pagsasalita ng mga Indian in English.
Marami tuloy ang mga na-disappoint sa ginawa ni Elha lalo na ang mga Indians at Pakistanis.
Nabansagan rin si Elha bilang “racist” lalo na sa isang meme video na ginaya rin niya.
Sa ngayon ay deleted na ang videong ito.
Agad namang humingi ng paumanhin ang dalaga sa kanyang pagkakamali sa pamamagitan ng pagpo-post ng apology video sa Tiktok.
“I’m sincerely sorry po sa mga na-offend and sa mga naka-feel na it’s racist pero wala po talaga sa intensyon ko po na maging racist and also to mock ‘yung accent nila and kaya ko po nasabi ‘yun sa live video kasi po related po ‘yung sinabi ko about doon sa Indian na ginaya ko nga po and sana po mapatawad n’yo po ako lahat,” saad ni Elha.
“Let’s just move on and again I sincerely apologize po sa lahat ng Indians and Pakistanis na na-offend and naka-feel na I am racist po towards them and also doon sa video na ginawa ko na dinelete ko na po.
“Sorry everyone. Let this be a lesson po. Huwag na lang po sana tayong gumaya nang gumaya ng meme kasi baka makasama… Huwag na lang natin gayahin at wag na lang natin gawin. Peace out everyone and stay safe,” dagdag pa nito.
@elha_nympha Reply to @elha_nympha ♬ original sound – Elha Nympha
Si Elha Nympha ang itinanghal na grand champion sa “The Voice Kids Season 2” noong 2015.
Naging parte rin siya ng ilan pang Kapamilya shows gaya ng “Your Face Sounds Familiar Kids”.
Hindi lang sa Pilipinas nakilala si Elha kundi pati sa iba pang bansa nang sumali ito sa “Little Big Shots” na programa ni Steve Harvey kung saan kinanta niya ang “Chandelier” ng singer na si Sia.
Related Chika:
Elha Nympha pumayat dahil sa super diet; may boyfriend na rin
Elha sa paghihiwalay nila ng dyowa: Wag po tayong pa-victim, still using me pa rin?