Janno aminado: Ako na siguro ang pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis! | Bandera

Janno aminado: Ako na siguro ang pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis!

Ervin Santiago |December 07,2021
facebook
share this

Janno aminado: Ako na siguro ang pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis!

Ervin Santiago - December 07, 2021 - 12:31 PM

Dennis Padilla, Andrew E at Janno Gibbs

DAHIL sa tagumpay ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ng mga tinaguriang “lodi” (idol) ng Pinoy Comedy na sina Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E., gumawa agad-agad ang Viva Films ng part 2 nito.

Inihahandog ng Vivamax ang sequel sa nasabing hit comedy movie na isinulat at idinirek pa rin ng veteran actor-director na si Al Tantay.

At dahil sa patok na theme song nito na “Aussie! Aussie! O sige!” ni Andrew E., na ngayon ay hit Tiktok trend na rin, siguradong mapapasige ka nang sige ngayong Dec. 31, sa Vivamax.

Sa “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O, Sige!” susundan natin ang mga kwelang adventures nina Johnny (Janno), Dondon (Dennis) at Andy (Andrew) bilang mga managers sa bagong bukas na resort ng kanilang long-time friend na si Rico (Julianna Parizcova Segovia).

Ngayong namamasukan na sila sa Bonggacious Resort, masosorpresa ang tatlo sa pagdating ng kanilang mga dating katrabaho (Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena) bilang mga una nilang kliyente. 

Ayos na sana ang lahat kasama ang mga nagseseksihan nilang mga bisita. Kaso si Sir Gustavo (Pepe Herrera), ang pilyong boss, ay present din. Kakailangan muna nilang harapin siya bago sila maka-score sa mga ladies.

Saksihan ang mga nakakaloka at nakaka-good vibes na panggu-good time nina Dennis, Janno at Andrew sa Vivamax Orignal movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige!” sa Vivamax simula Dec. 31, 2021.

View this post on Instagram

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)


Samantala, sa naganap na virtual presscon ng pelikula kahapon, natanong ang cast members kung naranasan na ba nilang maging “sanggano” in real life.

Diretsahang sagot ni Janno, “Ako na siguro yung pinakasanggano sa totoong buhay, bukod kay Dennis.

“Kung kailan ako naging sanggano? Lately lang din. Magbasa lang kayo, magbasa lang kayo, may inaway ako. Basahin niyo lang,” chika pa ng TV host-comedian.

Walang binanggit na pangalan si Janno pero ang hula ng lahat, ang tinutukoy niya ay ang komedyanang si Kitkat na nakaaway niya matapos magkapikunan sa noontime show ng Net25 na “Happy Time.”

Pareho silang natanggal sa nasabing programa. At nitong lang nagdaang linggo ay nagkasagutan muli ang dalawa sa isang chat group ng mga komedyante.

Pagpapatuloy na kuwento ni Janno, si Andrew E. raw ang pinakamabait sa kanila na may mahaba ring pasensya.

“Si Andrew is one of the nicest people in showbusiness. Walang bad bone.

“Isa mga na-discover ko kay Andrew, mas generous siya ngayon. Grabeng magregalo si Andrew sa staff, pati sa aming mga artista,” papuri niya sa kaibigan.

Sey naman ng rapper-comedian, “In the three decades of being a movie actor or being a rapper, napatunayan ko na po sa aking sarili na ang akin pong pag-aartista at ang aking pasensya ay mula dito hanggang sa buwan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, kahit sinuman, hindi niyo kayang ubusin ang pasensya ko po. For me, nasabi ko sa sarili ko na may patience is very, very wild and long,” lahad pa ng komedyante at songwriter.

Janno hirap na hirap sa costume ni Mang Jose: Pero 90% ng action dito ako talaga, walang double

Janno tinablan ba sa ‘threesome love scene’ kasama sina Maui at Rose Van sa ’69+1′?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending