Rhen Escaño, Rita Martinez ibubuking ang relasyon ng mga lesbian lovers sa ‘Lulu’

Rhen Escaño at Rita Martinez

ISANG bonggang-bonggang girl to girl romance ang magpapakilig sa madlang pipol ngayong 2022 na siguradong pupusuan ng LGBTQIA+ community.

Mula sa box-office director ng “Kita Kita” na si Sigrid Andrea Bernardo, handog ng Vivamax ang girl love series na “Lulu”, na mapapanood na sa Jan. 21, 2022.  

Bibida rito ang sexy actress na si Rhen Escaño (nakilala sa mga pelikulang Adan, The Other Wife, Paraluman) bilang Sophie at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate) bilang Abi.   

Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie. Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na. Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.  

Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay tila laging sablay.  Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon niya sa mundo. Ngunit nang dumating si Abi sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama.    

Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band.  Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.  

Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano.  Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie.  Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t isa.  

Ang “Lulu” ay may walong episodes na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax. Sundan kung paano makaaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglabas ng kanilang mga lihim. 

Ayon kay direk Sigrid, matagal na niyang itinatago ang konsepto ng “Lulu” at humahanap lang siya ng tamang panahon para magawa ito para TV o pelikula.

Ayon pa sa direktor, ibang-ibang Rhen Escaño ang mapapanood sa “Lulu” na isang romantic comedy lesbian love story.

“I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary.  And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang everyday life ng lesbian community,” ani Direk.


Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “Masayahin din kasi sila.” 

Parehong excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi.  Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.   

Mapanood ang “Lulu” sa Vivamax simula sa Jan. 21, 2022.

https://bandera.inquirer.net/293526/rhen-escano-10-taon-naghintay-bago-bumida-sa-pelikula-hindi-ako-sumuko-laban-lang

https://bandera.inquirer.net/292211/rhen-nanghihinayang-dahil-hindi-inabot-si-julia-sa-ang-probinsyano

Read more...