Beyond Zero pinatunayang hindi lang sila pang-Tiktok, winner na winner din sa digital concert

Beyond Zero

STAR-STUDDED at super successful ang first ever digital concert ng umaaribang P-pop group ng Beyond Zero na may titulong “Beyond Zero: The Reboot”.

Ito’y ginanap sa pinakamalaking indoor beach club sa Pilipinas, ang Cove Manila ng Okada Manila nito lamang Dec. 3, na napanood din ng kanilang mga fand sa Ktx.ph.

Ang Beyond Zero ay ang pinakabagong all-male P-Pop group sa bansa na binubuo ng mga TikTok superstars na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty, and Wayne. Milyon ang followers sa Tiktok ng Beyond Zero members at umabot na rin sa halos 1.4 billion ang kanilang combined TikTok views.

Ang Beyond Zero ay talent ng House of Mentorque at ang production house naman nilang Mentorque Productions ang nag-produce ng show.

Ayon sa management team ng P-Pop group inihanda nilang mabuti ang Beyond Zero bago ito  sumalang sa kanilang debut concert. 

Dumaan din ang grupo sa matinding training, mula sa dancing, singing at maging sa personality development para masigurong handang-handa sila sa pagsabak sa concert scene.

Kahit nagsimula lang sa paggawa ng mga Tiktok videos from the comforts of their homes, the boys faced the pressure of performing on a grand stage for the first time.  The boys shone bright as they performed their first ever single, “Reach the Top” written by the award-winning singer-songwriter, Quest.

Their dance numbers were made exceptional with the beat of the two leading DJs in the Philippines — Ace Ramos and Mars Miranda.

At bilang pagpupugay sa TikTok kung saan sila unang nakilala, nakasama ng Beyond Zero sa isang production number ang mga kapwa TikTokers na sina Argie Roquero, Ericka Pineda, Andrea Pauline, Ralph Alfaro, Austin Ong, Franz Miaco, and JM Yrreverre. Sinayaw nila rito ang mga viral TikTok dance challenges.

Nag-perform din sa concert as special guests ang Sexbomb Dancers, The Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias at si Jessy Mendiola-Manzano.

Ang debut concert ng Beyond Zero ay simula pa lang ng mga susunod pang magagandang mangyayari sa kanilang career sa entertainment world. Obstacles and mistakes will be encountered along the way, but rest assured that these stumbling blocks will be treated as experiences to be learned from.

Ang “Beyond Zero: The Reboot Digital Concert” ay idinirek ng award-winning filmmaker na si GB Sampedro.
https://bandera.inquirer.net/297073/bagong-boy-group-na-beyond-zero-ikinukumpara-sa-sb19-ano-nga-ba-ang-pinagkaiba
https://bandera.inquirer.net/287636/sb19-andrea-brillantes-sanya-lopez-waging-top-celebrity-sa-1st-tiktok-ph-awards

Read more...