Osang, Ara, Alma ibinuking ang mga leading man na may putok, mabaho ang hininga

Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces; Sab Aggabao, Cara Gonzales, Stephanie Raz at Ayana Misola

NALOKA nang bonggang-bongga ang kontrobersyal na direktor na si Darryl Yap habang ginagawa ang bago niyang pelikula na “Pornstar 2: Ikalawang Putok” under Viva Films.

Sa nasabing movie, introducing ang apat na baguhan at palabang sexy star na sina Sab Aggabao, Cara Gonzales, Stephanie Raz at Ayana Misola na gumaganap bilang sina Gabriela, Melchora, Trinidad at Josefa.

Kasama pa rin sa “Pornstar 2” ang original cast na sina Ara Mina, Alma Moreno, Maui Taylor at Rosanna Roces na itinuturing na legends of Pinoy sexy films.

Pahayag ni Direk Darryl totoong “nahirapan” daw siyang katrabaho ang apat na bagong sexy stars ng Viva Artists Agency. 

“Itong apat na baguhan, sobrang bigat na katrabaho kasi naglalakad sa set yan, nakikita ko yung mga boobs nila. Sobrang hirap na hirap yung kalooban ko.

“Nagrereklamo ako kay Boss Vic (del Rosario, CEO ng Viva), sabi ko, ‘Ayaw mag-robe ng mga artista natin! Ayaw mag-plaster!’ Sabi ko sa kanila, ‘Magtakip naman kayo!’ Ang sabi nila sa akin, ‘Kasi Direk kapag tatakpan pa, itatakbo pa yung robe,’” kuwento ng direktor. 

Ganito rin daw ang naranasan niya sa male counterpart ng mga sexy stars niya sa pelikula na sina Prince Salvador, Jet Delgado, Rash Flores at Abed Green. 

“Yung apat na lalaki ayaw mag-plaster. Pero ang una nang nag-react diyan ay si Cara. Hindi ko alam kung si Sab yata yung nagsabi kay Abed Green. ‘Hoy, mag-plaster ka. Mahiya ka naman kay Cara,’ something like that.

“Pero silang apat, yung mga boys, ayaw din nilang mag-plaster because, number one, they don’t want to shave. Number two, naiipit daw yung mga alaga nila,” sabi pa ni Direk Darryl.

Sey pa niya, baka raw magastusan nang malaki ang Viva kapag nakita sa camera ang kanilang private parts dahil kailangan pa itong burahin sa post production.

“So, sabi ko pag-usapan natin. So, we sat down. Sinabi ko sa kanila, ‘Magagastusan ako pag hindi kayo nag-plaster kasi buburahin ko yan. Eh, malalaki ’yung mga ano nila so magagastusan din ako nang malaki.

“Alam ng apat na girls yan. Eh, magkano lang naman ang plaster.Yung pagbubura nu’n sa post prod ’yon ang mahal,” chika ni Direk. 


Samantala, nagkaisyu rin daw ang  isang eksena sa “Pornstar 2” kung saan nagbanggit sina Osang at Alma ng mga pangalan ng celebrity na maaaring magreklamo.

“Kinausap ako ni Boss Vic, pinabubura niya sa akin yung ibang lines. Kasi meron ako ditong script na hinayaan ko lang magkuwentuhan yung apat na legends, sina Ara, Alma, Maui, and Osang. 

“Hinayaan ko silang magkuwentuhan for one hour. Nakatutok lang yung dalawang kamera. Tapos from that one hour, ang challenge sa akin kailangang maging six minutes.

“Eh, sobra ang pinagkukuwento nila doon, like pangalan ng mga artista na after nila mag-love scene gustong ituloy nu’ng lalaking artista, as in sinabi nila ang mga pangalan. Itong mga artista ko, sina Ara nagbanggit sila ng mga names. 

“Si Osang lalo na. Yung mga artistang after nila mag-love scene, tinanong ni Alma, ‘Eh, di ba, inalok ka niyan na ituloy n’yo na yung love scene ninyo?’

“Nagbabanggit ng pangalan, mga leading men nila na may putok, mabaho ang hininga. So, pinapagalitan ako ngayon ng Viva because it will cost us very huge,” natatawa pang kuwento ni Direk Darryl.

Pahabol pa niyang chika, “Dito sa Pornstar 2, a total of 42 breast exposures, four frontal nudity, four sinful sex scenes and three erotic training sessions. Ipinaglaban ko yan sa Viva kasi  kailangan talaga, hindi gaya sa ibang pelikula na may maiyot lang.”

Pwede nang mapanood ngayon ang “Pornstar 2” sa Vivamax.

https://bandera.inquirer.net/297626/osang-alma-sa-mga-baguhang-sexy-star-pag-sumikat-kayo-wag-lalaki-ang-ulo-dahil-yan-ang-ikasisira-nyo
https://bandera.inquirer.net/298367/darryl-yap-sa-paggamit-ng-pornstar-ito-yung-sampal-sa-mukha-ng-mga-sobrang-konserbatibo

Read more...