Myrtle Sarrosa biktima rin ng pambu-bully; malaki ang utang na loob sa ‘anime’

Myrtle Sarrosa

BIKTIMA rin ng pambu-bully ang Kapuso actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa lalo na noong high school student pa lamang siya.

Bago naging artista, unang nakilala ang dalaga sa kanyang pagko-cosplay ng iba’t ibang anime characters at talagang sumasali pa sa mga competition. 

Ayon kay Myrtle, napakalaki ng naitulong ng “anime” para malabanan at malampasan ang pambu-bully sa kanya. Naging daan din ito para magkaroon ng new friends sa school.

Hinding-hindi raw niya makakalimutan ang naging karanasan niya noong nag-aaral pa siya pero ito rin ang naging inspirasyon niya para maging matatag.

“Noong bata pa ako hindi ako nahilig masyado sa cartoons, sa anime talaga. Tapos excited na excited ako laging umuwi para manood ng anime,” ang pahayag ni Myrtle sa isang episode ng “Tunay na Buhay.”

Aniya pa, “Noong grade school ko kasi, the reason din kung bakit sobra akong nahilig sa anime was because ayokong masyadong nagsi-stay sa school. 

“Kasi noong bago ako sa isang school ko, medyo na-bully ako. Naging katuwaan nila na kapag merong game na may tatapunan ng sand, paper, tinatapon nila sa akin before sa school,” sabi pa ng Kapuso actress.

Aniya pa, “Dahil doon, na-traumatize ako before sa school na parang ayokong pumasok,” paglalahad pa niya.


Nagkaroon din siya ng mga bagong kaibigan nang dahil sa pagkahilig sa anime hanggang sa maging close na sila sa isa’t isa.

“Apat kami na naging mag-best friends kasi every after school, sasamahan nila akong umuwi tapos nanonood din sila ng anime with me, which was sila na ‘yung naging group of friends ko eventually,” chika ni Myrtle.

At kung may natutunan daw siya sa pagiging cosplayer at “otaku” o ang pagiging anime lover, “Okay, I may start out weak but eventually you’ll become stronger.

“Doon ko na-realize na ‘Uy bakit gano’n? Bakit parang lahat ng mga ginagawa ko sa school may purpose? 

“Nage-gets ko ‘yung mga tinuturo nila sa akin. Tapos ‘yung passion ko into cosplay nagagawa ko into papers, into productions,” pahayag pa ng Kapuso star na gumradweyt ng cum laude sa Mass Communication sa UP Diliman noong 2017.


https://bandera.inquirer.net/283532/myrtle-sarrosa-nagka-chronic-intestinal-disease-dahil-sa-sobra-sobrang-kape-karne

Read more...