Kate inatake ng nerbiyos habang kaeksena si Khalil bilang magdyowa sa ‘Love On Air’

Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Kate Valdez

AMINADO ang Kapuso young actress na si Kate Valdez na kinabahan siya sa mga eksena nila ni Khalil Ramos sa Kapuso afternoon series na “Stories from the Heart: Love On Air.”

Si Kate ang isa sa mga leading lady ni Khalil sa nasabing serye ng GMA bukod sa kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia. 

Ayon sa dalaga, ito ang unang pagkakataon na makatrabaho niya si Khalil sa isang project pero wala naman daw ilangan sa pagitan nila ng binata bilang magkarelasyon nga ang ganap nila sa “Love On Air”.

Bilib na bilib nga raw si Kate sa galing ni Khalil bilang aktor at sa pagiging professional nito pagdating sa trabaho.

“First time ko pong makatrabaho si Khalil ‘yung character namin dito original partners as DJ.

“He is so professional, at first kinabahan ako pero thanks to him he guided me na hindi mailang sa kanya kasi merong mga scenes na sobrang sweet kasi nga may relationship ‘yung characters namin,” chika ng Kapuso star sa isang interview.

Nagpasalamat din siya sa boyfriend ni Gabbi dahil inalalayan talaga siya sa kanilang lock-in taping bukod sa tinulungan pa siya nito sa kanilang mga eksena together. “I feel so grateful kasi inalalayan niya ako,” sey ng dalaga.

Patuloy pa niya, “Kay Ate Gab naman second time namin since wala kaming masyadong eksena together, I just feel happy na nakita ko lang siya sa set so okay na sa akin ‘yun and I feel so happy and before magkasama naman kami sa Encantadia.”

Bukod kina Gabbi, Khalil at Kate kasama rin sa “Stories from the Heart: Love On Air” sina Sunshine Cruz, Yasser Marta, Kiray Celis, Anjo Damiles at Jason Francisco.


In fairness, laging trending ang bawat episode ng serye patunay lamang na talagang tinututukan ito araw-araw ng Kapuso viewers ang kuwento nina Wanda o Miss Wonderful at ang dedicated radio host na si DJ Joseph. 

Napapanood ang “Stories from the Heart: Love On Air”, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. pagkatapos ng “Las Hermanas” sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/299076/love-on-air-nina-khalil-at-gabbi-trending-sa-socmed-gabli-fans-pinainit-ang-twitter

https://bandera.inquirer.net/290793/gabbi-ghinost-si-khalil-noon-para-makipagbalikan-sa-ex-boyfriend

Read more...