‘Nagmamadaling Jingle Bells’ ni Lani Misalucha swak na swak sa ‘karoling season’

Lani Misalucha

WINNER ang viral opening production number ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha sa “The Clash 2021” last Saturday, Nov. 27.

In fairness, naging instant TikTok content ang performance niya sa reality singing search ng GMA 7 kung saan una niyang kinanta ang kanyang fast-paced rendition ng classic Christmas song na “Jingle Bells.” 

Hango ang version ni Lani sa 1967 Christmas album ng award-winning American singer at aktres na si Barbra Streisand na “A Christmas Album.”

Naaliw at natuwa ang mga nakapanood sa fast beat version ni Lani kaya marami ang nagkomento na parang nagmamadali ang judge ng “The Clash” sa pagkanta na naging subject ng mga nakakalokang memes sa social media. 

Kasunod nito, maraming netizens ang nag-repost at nag-share ng video ni Lani hanggang sa gumawa na rin ang mga Tiktokerist ng kani-kanilang version ng “Jingle Bells” gamit ang boses ni Lani.

Isa sa mga pumatok na TikTok version ay ang ipinost ng dating SexBomb dancer at Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan and with matching dance cover pa.

Nang malaman ng nag-iisang Asia’s Nightingale na nagba-viral na ang kanyang pasabog na “Jingle Bells”, nag-react din siya sa pamamagitan ng Instagram.

“Yung mag de-December na at kailangan mo ng extrang pera. Kaya tinanggap mo ang tatlong raket sa isang araw kaso pare-parehong alas otso ng gabi ang performance (isa sa PICC, isa sa Makati, isa sa Pampanga),” mensahe ng OPM icon.


Chika pa nga ni Lani, saktung-sakto ang nagmamadaling version ng “Jingle Bells” sa mga mangangaroling ngayong Christmas season lalo na kapag may curfew.

Bukod kay Lani, kasama rin niya sa Clash Panel ng “The Clash 2021” na napapanood tuwing Sabado at Linggo sa GMA 7 sina Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Lani namatayan ng apo; problema sa pandinig dahil sa bacterial meningitis lumala

Ai Ai, Lani, Christian sa The Clash 4: Hinahanap namin total package, pero sana mabait din, walang attitude

Read more...