San Beda University, ‘kakampink’ na rin

Photo courtesy of Fr. Red Manila

ANG San Beda University-Manila, kung saan nagtapos ng abogasya si Pangulong Rodrigo Duterte, ay “kakampink” na rin.

Sa post sa official Facebook page ng pamantasan, pinailawan ng pink ang harapan ng gusali bilang simbolo ng pagsuporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Pink ang political color ng kampanya ni Robredo.

“San Beda Community is ONE in support of VP Leni’s presidential bid, believing that she embodies the Benedictine ideals of pax, ora et labora and the genuine servant-leadership qualities that the Filipino nation is yearning for especially during this troubled time,” wika ni Fr. Aelred Nilo, vice president for administration ng SBU.

Ang pax, ora et labora ay salitang Latin na nangangahulugan ng kapayapaan (pax), panalangin at paggawa (ora et labora).

Nauna rito nagpailaw din ng pink ang Adamson University sa Maynila, ang alma mater ni Robredo na Universidad de Sta. Isabel at Ateneo de Naga University, na kapwa matatagpuan sa bayan ni Robredo, ang Naga City.

Read more...