Gerald sa GenSan magpa-Pasko kasama ang nanay; isama kaya si Julia?

Julia Barretto at Gerald Anderson

NAKAPLANO na ang pagtungo ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson sa General Santos City para doon magdiwang ng Pasko.

Dalawang major projects ang natapos ni Gerald ngayong taon, ang Kapamilya series na “Init Sa Magdamag” at ang malapit nang magsimulang “Hello, Heart” na unang collaboration ng ABS-CBN at ng online platform na iQiyi.

Ayon sa boyfriend ni Julia Barretto, pagkatapos ng mga nabanggit na proyekto, magpapahinga muna siya para makasama ang pamilya, lalo na ang kanyang ina.

“Uuwi ako sa GenSan. Pupuntahan ko ‘yung nanay ko. Magki-Christmas kami roon. Kasi medyo matagal ko na siyang hindi nakita dahil sa pandemic,” ang pahayag ng aktor sa panayam ng “Showtime Online U”.

Ito’y bahagi nga ng pagpo-promote niya para sa “Hello, Heart” kung saan makakatambal niya ang viral biritera na si Gigi de Lana.

Sabi pa ni Gerald sa pagbabakasyon niya sa GenSan, “And I think ito ‘yung perfect time para makauwi kasi maluwang na.”

“Actually katatapos lang namin i-shoot ‘yung ‘Hello Heart.’ So medyo relax, relax muna. 

“Kakalabas ko lang ng lock-in taping namin, ng bubble namin which is shinoot po namin ito ng one month. So now medyo relax lang,” chika pa ng binata.


Wala namang nabanggit si Gerald kung isasama niya si Julia sa pagpunta niya sa GenSan para makasama ang kanyang nanay. Yan na lang ang dapat abangan ng mga fans pati na ng mga Maritess sa social media.

Samantala, mapapanood na ang “Hello, Heart” exclusively on iQiyi simula sa Dec. 15, 8 p.m..

https://bandera.inquirer.net/298478/gerald-puring-puri-si-gigi-de-lana-bilang-aktres-outstanding-malayo-pa-ang-mararating-niya

https://bandera.inquirer.net/299197/gerald-sa-15-years-na-pag-arte-kailangan-lagi-kang-may-bagong-gagawin-para-sa-manonood

Read more...