Barbie sinupalpal uli ni Cristy Fermin: Isaksak mo sa baga mo si Diego! | Bandera

Barbie sinupalpal uli ni Cristy Fermin: Isaksak mo sa baga mo si Diego!

Therese Arceo |December 02,2021
facebook
share this

Barbie sinupalpal uli ni Cristy Fermin: Isaksak mo sa baga mo si Diego!

Therese Arceo - December 02, 2021 - 02:49 PM

Barbie sinupalpal uli ni Cristy Fermin: Isaksak mo sa baga mo si Diego!

MULI na namang nagpatutsada ang kolumnistang si Cristy Fermin kay Barbie Imperial na nagsimula noong tinawag ni Barbie si AJ na diumano’y “kabit” sa relasyon nila ni Diego Loyzaga.

Naisulat na namin kahapon, ang unang reaksyon ni ‘nay Cristy ukol rito at sinabing walang karapatan si Barbie na tawaging “kabit” si AJ lalo na at hindi pa naman sila kasal ni Diego.

“Alam mo, hindi ko gusto ‘yung tabas ng dila n’yan. Attsaka tungkol sa mga bata na ganito na kung makapagsalita ay akala mo kanila na ang mundo.

“Unang-una, inaangkin niya si Diego Loyzaga pero wala ka pang papeles na nagpaptunay na kayo’y mag-asawa pa. At tsaka ang tao, hindi inaangkin. May kanya kanya tayong katangian na atin lang.

“Ang inaangkin lang pangalan, bahay at lupa, mga kagamitan, mga ganyan lang pero ang tao ay hindi. Kahit pa mahal na mahal natin ang tao, natulungan natin mula ulo hanggang paa, may sarili rin siyang katangian na kanya lang na hindi natin maaaring angkinin at akuin,” saad ni ‘nay Cristy.

Chika pa niya, magkasama na raw ngayon ang dalawa sa isang tahanan ngunit hondi raw iyon sapat para sabihin ni daw ni Barbie na gusto ni AJ na maging “kabit” ng kanyang dyowa.

Binalikan rin ni ‘nay Cristy ang dating isyu ni Barbie sa ex-dyowa niyang si Paul Salas.

“Edi isaksak niya sa baga niya si Diego, ‘di ba para wala nang babae pa sa kanyang palagay na nilalandi ang boyfriend niya, parang ganon,” sey ni ‘nay Cristy.

“At kaya siya bina-bash ngayon kasi sabi ng mga netizens, ‘Bakit ikaw ang matalak? Bakit ikaw ang nagtatanggol sa sarili mo? Bakit hindi ‘yung boyfriend mo ang magtanggol sa ‘yo?’,” singit pa ni Romel Chika.

Ani Cristy, hindi raw magsasalita si Diego dahil edukado ito at paniguradong magagalit ang ina nito na si Teresita Loyzaga dahil ayaw nito ng mga walang kawawaang kuwento.

“Mapagbiro ang kapalaran, Romel. Paano kung isang araw ay nagkaroon ng kabaligtaran ang mga sitwasyon. Paano kung iwanan siya ni Diego at mapunta nga kay AJ Raval?” dagdag pa ni ‘nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Kung ayaw mong malapitan si Diego ng ibang babae na ikinai-insecure mo, ikulong mo! Ikulong mo siya sa malaking box. ‘Yung walang makagagalaw, ikaw lang dalaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


Timawag rin ni Romel Chika na “insecure” si Barbie.

Hirit pa ni ‘nay Cristy, “How sure are you na ayaw ni Diego si AJ? Nababasa ba niya ang utak at puso ni Diego? Baka i-challenge siya, di ba?”

Mukha talagang walang balak si ‘nay Cristy na tigilan si Barbie matapos ang kanyang isiniwalat na si Barbie raw ay laman ng blind item noon.

“Alam kaya ni Diego na si Barbie Imperial ang naba-blind item noon na nagpupunta punta sa gym ni Gerald Anderson? Alam ba ‘yun ni Diego? Baka ngayon niya lang malaman.”

Sey pa niya, may chance na lumaki ito lalo na kapag sumawsaw ang fans ni Julia dahil sa kanyang na-spluk na chika.

“Sasawsaw rito si Julia, ang mga fans ni Julia Barretto at may masasabi rin ang mga fans ni Bea Alonzo dahil ‘yung kasagsagan ito ng isyu noon e,” mainit na sabi ni ‘nay Cristy.

Muling inulit ng kolumnista na dapat ay hindi inaangkin ang isang rao kahit dyowa pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Walang pinakamaganda rito kundi isaksak mo sa baga mo si Diego.”

Related Chika:
Cristy bumuwelta kay Barbie: Wala ka pang karapatang tawaging ‘mistress’ ang sinuman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending