Alden umamin: Napakahirap ng mga pinagdaanan ko when I was young

Alden Richards

MAS makikilala at mas madaragdagan pa ang kaalaman ng publiko tungkol sa tunay na pagkatao ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang documentary-concert na “ForwARd.”

Nangako ang Kapuso Drama Prince na hindi lamang ang tungkol sa kanyang life story ang ihahandog niya rito kundi isasama rin niya ang kanyang fans and supporters sa mga lugar na naging mahalagang bahagi ng kanyang buhay at pagkatao.

Marami na ang nakakakilala kay Alden Richards sa showbiz industry pero sino nga ba si Richard Faulkerson, Jr. kapag wala na siya sa harap ng mga camera at hindi na nagtatrabaho?

“In years that I’ve been here, siyempre, I’m sure kilala na rin ng mga tao si Richard Faulkerson, Jr. but not in detail.

“So this concert will give you a sneak peek of that, not sneak peek kasi malalim ‘yung mga (documentary). Actually in the past few days, nagsu-shoot na ako ng docu materials for this, e.

“As opposed to my concerts before, parang it’s really more of the showbiz journey, more of the life journey of Alden Richards. But, this concert, part lang si Alden Richards, it’s really more of Richard Faulkerson, Jr..

“So sino ba talaga siya? Ano ba ang mga pinagdaanan ko nu’ng when I was not yet introduced with the idea to be part of the showbiz industry? ‘Yun ‘yun,” ang pahayag ni Alden sa panayam ng GMA patungkol nga sa benefit concert niyang “ForwARd” para sa kanyang AR Foundation.

Patikim pang kuwento ng Pambansang Bae, “Sa Laguna, pupuntahan natin ‘yung luma naming bahay. I’ll show people kung saan ako nanalo ng una kong pageant, my school where I graduated high school.

“Basically, detail by detail, hindi siya parang ‘A Day in the Life,’ e. ‘Yung ‘A Day in the Life’ kasi ‘yun lang ‘yung paggising mo until matulog ka, ‘di ba? But basically, I want to share my story para at least ‘yung launch ng AR Foundation is hindi lang siya in passing,” sabi pa ng binata sa nasabing interview.


Samantala, isa sa mga rason kung bakit niya itinayo ang AR Foundation ay dahil nanggaling din siya sa hirap at matitinding pagsubok.

“Nadaanan ko halos lahat ng paghihirap sa mundo. Hindi pa lahat, konti pa lang pero mahirap, mahirap ‘yung pinagdaanan ko when I was young.

“And that’s what I’ve been telling a lot of people as well when we were doing the documentary was I want to break a cycle.

“‘Yung cycle na hirap kang mag-aral kasi wala kang pera? Kasi I’ve experienced that myself. I’ve been there, I know how it feels.

“I want to be a beacon of hope and the AR Foundation wants to be a beacon of hope to these kids who struggle in education in terms of being financially stable,” aniya pa.

Mapapanood ang docu-series ni Alden (via streaming) sa Jan. 30, 2022, 8 p.m. sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril.

https://bandera.inquirer.net/298302/2-scholar-ni-alden-naka-graduate-na-sa-college-magko-concert-para-sa-batang-gustong-mag-aral
https://bandera.inquirer.net/291612/bea-ipapasok-daw-sa-serye-nina-alden-at-jasmine-gerald-kinampihan-ni-rr-enriquez

Read more...