Nais mag-asawa (2)

Sulat mula kay Nestor ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
1.      Kinakabahan na ako dahil sa edad kong 28 ay hindi pa ako nagkakaroon ng kasintahan.  Meron naman akong trabaho.  Ibig kong isangguni sa inyo ang bumabagabag sa akin dahil wala pa akong girlfriend.
2. Sana’y bago sumapit ng 30-anyos ay may asawa na ako.  Sana masagot ninyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa. July 17  ang birthday ko.
Umaasa,
Nestor ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 1.) ang nagsasabing isang babaing Virgo ang nakatakda mong maging girlfriend. Sa una ninyong pagkikita, ang nasabing babae ay nakasuot ng kulay white na shirt.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2013 ay darating ang nasabing babae na magiging girlfriend mo. Ito ay magaganap sa last week ng Oktubre hanggang sa first week ng Nobyembre. Sa panahong iyon ay magaganap ang una ninyong pagkikita at pagde-date.
Graphology:
Ang iyong lagda na kinakitaan ng malinaw na phallic symbol sa buntot ng letang “g”. Ibig sabihin ngayon palang masiglang-masigla na ang iyong libido at nasagap na ng unconscious self mo ang susunod magaganap. At tulad ng nasabi na, sa last quarter ng taong ito ng 2013 ay magkaka-syota ka na rin sa wakas.
Huling payo at paalala:
Nestor, ayon sa iyong kapalaran, kusang darating ang babaing matagal mo nang hinihintay at ito ay magaganap sa taon ding ito ng 2013 sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre. Magiging mainit ang inyong relasyon, hanggang mauwi sa isang masaya at panghabambuhay na samahan, na nakatakda namang mangyari sa susunod na taon 2014 sa buwan ng Mayo.  Sa panahong nabanggit, makakapag-asawa ka na at habambuhay na liligaya.

Read more...