Number coding, muling ipinatutupad sa Metro Manila mula Disyembre 1

 

Edsa traffic coding mmda

Photo: Nino Jesus Orbeta, Inquirer

Simula ngayong araw, Disyembre 1, muling ipatutupad ang number coding scheme sa Metro Manila, pero ito ay tuwing rush hour lamang sa hapon at gabi.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, mula 5 p.m. hanggang 8 p.m. lamang ang oras na saklaw ng number coding, Lunes hanggang Biyernes, maliban kung pista opisyal (holiday). Sa pribadong sasakyan lamang ito ipatutupad.

Ipinaalala ng mga awtoridad na ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa 1 at 2 ay bawal lumabas sa nabanggit na oras tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 0 tuwing Biyernes.

Hindi kabilang sa modified number coding scheme ang mga public utility vehicles (kabilang ang tricycle), transport network vehicle services (TNVS), motorcycle, garbage truck, fuel truck, motor vehicle na may sakay na mga esensyal at masisirang produkto.

Sa EDSA, ipatutupad din muli ang light trucks ban pero may konting pagbabago. Bawal ang mga light trucks sa EDSA mula Magallanes sa Makati City at North Avenue sa Quezon City mula 5 a.m. hanggang 9 p.m., Lunes hanggang Biyernes, maliban kung pista opisyal.

Mula sa ulat ni Neil Arwin Mercado, INQUIRER.net
Read more...