Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa't anak na | Bandera

Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa’t anak na

Reggee Bonoan |November 30,2021
facebook
share this

Erik Santos nangakong hindi iiwan ang pamilya kahit may asawa’t anak na

Reggee Bonoan - November 30, 2021 - 07:12 PM

Erik Santos

BAKIT nga ba mahal na mahal si Erik Santos ng mga Pinoy? Karamihan kasi sa mga kasabayan niya sa reality singing search ng ABS-CBN na “Star In A Million” ay nawala na.

Ito ang tanong ni ‘Nay Cristy Fermin sa mang-aawit nang mag-guest ito sa online show na “Cristy Ferminute” kaninang hapon. 

“Siguro ‘Nay naging parte po kasi ako ng bawa’t pamilyang Pilipino dahil sa mga themesongs na kinakanta ko.

“Kasi simula nang magsimula ako talagang nabigyan po ako ng pagkakataon ng ABS-CBN na kumanta ng napakaraming themesongs ng mga pelikula at teleserye, parang kahit paano in one way or another naging bahagi po ako ng kanilang pamilya, ng kanilang tahanan,” paliwanag ng tinaguriang Prince of Pop.

At dahil 18 years na si Erik sa industriya ay nasabi ni ‘Nay Cristy na isa na siyang poste ngayon ng mga bagong mang-aawit.

Ang bagong single ngayon ni Erik ay “Paskong Kayakap Ka” na sinulat ng nag-iisang Jonathan Manalo, ang creative director ng ABS-CBN Star Music.

Isa sa napagkuwentuhan din na may bago na ring kinakarir ang binatang singer — ang pagsasayaw. Hindi naman kasi sumasayaw si Erik sa shows niya kahit na danceable na ang kanta ay hanggang indak lang ‘yan base na rin sa napakarami naming napanood na concerts niya.

Kaya tinanong ni ‘Nay Cristy kung kailan na-discover ni Erik ang kaalaman niya sa pagsasayaw.

Humagalpak muna ng tawa si Erik, “Actually ‘Nay nagsimula ‘yan kapag rehearsal namin sa ASAP. Kapag may mga nakikita akong magaling sumayaw, sina kuya Gary (Valenciano), Darren (Espanto) talagang hangang-hanga ako sa kanilang magsayaw. Parang I wish ganu’n din ako kagaling magsayaw.”

Singit ng online host at manunulat, “At kunwari lider-lideran ka pa na ma’y ganu’n (muwestrang nagtuturo).”

Dagdag pa ni Erik, “Talagang sinasabayan ko ‘yung sayaw nila kahit parehong kaliwa ‘yung paa ko ‘Nay. So, nu’ng nakita iyon nina ate Regs (Regine Velasquez) pag nag-spiel na kami lagi silang nagre-request na magsayaw ako hanggang sa everytime na mag-spiel kami sa opening dapat mayroon akong naka-ready na dance step para sa mga kabayayan natin.”

At dahil na-curious kami kaya hinanap namin sa YouTube ang sinasabing dance steps ni Erik at oo nga, nakakahataw na nga at gustung-gusto namin ang production number nilang tatlo nina Kyle Echarri at Jason Dy na “Totoy Bibo” na talagang mega-giling ang binata.

View this post on Instagram

A post shared by eriksantos (@eriksantos)


Samantala, inanunsyo naman ng co-host ni ‘Nay Cristy na si Romel Chika na may show si Erik sa Dubai.

“December 10 po nasa Dubai po kami kasama ko si Catriona Gray, Yeng Constantino, KZ Tandingan, K Brosas na ang titulo ay Paskong Handog sa Pinoy na gaganapin sa Festival Arena Dubai , Festival City,” pahayag ng binata.

Pero siniguro niyang dito siya magdiriwang ng Pasko kasama ang buong pamilya. Kaya ang tanong ni ‘Nay Cristy, “Gaano mo kamahal ang pamilya mo?”

“Ay naku ‘Nay kulang ang salita alam n’yo ‘yan ‘Nay. Alam lahat ng mga taong malalapit sa akin. Ang magulang ko especially my nanay pag medyo nagkakaedad na, medyo nagiging emosyonal.

“Minsan nagiging worried siya na baka pag nag-settle na ako in the future paano na siya kasi lahat kami may kanya-kanya ng buhay, nag-aalala. 

“Lagi ko silang ina-assure na kahit saan man ako dalhin ng tadhana, panahon na magkapamilya ako hindi ko kayo pababayaan, sa akin kayo,” seryosong sagot ni Erik.

Samantala, hindi nasagot ni Erik ang tanong kung anong alam nito ang nagaganap sa babaeng minsang naging malapit sa puso niya, si Angeline Quinto. Ayon sa host ay maiintindihan niya kung hindi ito masasagot ng binata pero ikalulugod nito kung sasagutin niya ang tanong.

Pero napainom ng tubig si Erik kaya sinabihan siya ni ‘Nay Cristy, “Statement na ‘yang napainom ka ng tubig.” At natawa na lang ang singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa madaling salita ay walang “Paskong Kayakap” si Erik ngayong Disyembre. Anyway, mapapakinggan ang kanyang bagong kanta sa lahat ng digital platform at may challenge ring magaganap sa TikTok.

Angeline hindi pa ipinakikilala kay Erik ang bagong BF: ‘Di naman kailangan…selos yarnnnnn?

Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending