Nadine Samonte isinilang na si Baby Harmony: Grabe ang journey ng 3rd ko pero we survived!

Nadine Samonte at Baby Harmony Saige

ISINALANG na ng negosyante at dating Kapuso actress na si Nadine Samonte ang ikatlong baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Richard Cua.

Matapos nga ang siyam na buwang delikadong pagdadalang-tao, ligtas at maayos na naipanganak na Nadine ang baby na pinangalanan nilang Harmony Saige.

Ibinahagi ng celebrity mom sa kanyang Instagram account ang litrato nila ni Harmony na tinawag din niyang “bunso.”

Sabi ni Nadine sa caption, “Everyone meet Harmony Saige Chua our third/bunso.”
Pinasalamatan din niya ang kanyang doktor na talagang tinulungan inalalayan siya sa kanyang pregnancy journey.

“I would like to thank my Ob Dra. Sua-Lao for everything . I can say she is the best doctor talga napaka talino at maalaga sobra. Without you wala akong Heather, Titus and Harmony. Ginagamit ka talga ni Lord to help me and other mommies out there. I will always be thankful.

“Grabe ang journey ng third ko pero we survived. Thank you to Dra. Sua for taking care of Harmony and all the nurses and doctors,” sabi pa ng aktres na produkto ng Kapuso reality show na “StarStruck.”

“Now time to rest. Thanks everyone for congratulating us and sending prayers before ako pmunta sa OR. Thank you Pastor Ferdie for praying for me and the fam @therunningpastor appreciated it.

“Have a great day ahead. To my husband @rboy_chua thank you for taking care of the kids at mas kabado kpa kesa skin hahaha love you and the kids so much,” aniya pa.


Kung matatandaan, noong ika-33 week ng kanyang pagbubuntis ay isinugod pa siya sa ospital matapos makaramdam ng contractions.

Aniya sa kanyang IG post, “33 wks but having contractions already. I pray na makalabas pa ako ng hospital today if not I’m gonna deliver soon. I know Lord will be there to guide me and our little one. Thank you sa mga nag-pre-pray na for me️. Have a nice day ahead everyone.”

Noong Hulyo naman ay ibinahagi ng aktres sa kanya ring IG account na maselan ang pagbubuntis niya sa ikatlong baby. Nag-post pa siya ng mga litrato niya na may mga pasa sa tiyan at kamay.

Ayon kay Nadine, meron siyang PCOS o Polycystic Ovary Syndrome at APAS o Antiphospholipid Antibody Syndrome na siyang dahilan ng maselan niyang pagbubuntis.

Aniya, “Everyday is a struggle but its more of a blessing. This journey is particularly different from my 2 kids.

“We almost lost our baby during my first trimester but with God’s grace and guidance, hindi niya kami pinabayaan. God is good!” sabi pa ng aktres.

Ikinasal sina Nadine at Richard noong 2013. August, 2016 nang dumating sa buhay nila ang panganay na si Heather Sloane habang noong  April, 2019 naman ipinanganak ang ikalawa nilang anak na si Austin Titus.

Nadine Samonte kakaiba ang maternity shoot; umaming nag-breakdown

Read more...