Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway | Bandera

Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway

Therese Arceo |November 30,2021
facebook
share this

Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway

Therese Arceo - November 30, 2021 - 05:00 PM

Ogie Diaz kinontra ng netizens; Liza, Enrique may picture na sa ABS-CBN hallway

USAP-USAPAN ngayon ang sinabi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog noong Nov. 28 kung saan nabanggit nito na wala pang litrato si Liza Soberano at dyowa nitong si Enrique Gil sa ABS-CBN hallway.

Ito ay kaugnay ng pag-viral ng Instagram story ni Kim Chiu kung saan nahagip ang dalawang lalaki na nagbabaklas ng portrait ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo.

Matatandaang naisulat namin ito kahapon sa Bandera kung saan ikinuwento ni Ogie Diaz na talent manager ni Liza na wala pa nga ang litrato nito sa ABS-CBN hallway.

Ngunit tila mali ang impormasyong sinabi ni Ogie dahil marami sa mga netizens ang nagsabing kasali sina Liza Soberano at Enrique Gil sa mga artistang may portrait sa nasabing hallway ng main building ng ABS-CBN.

Sa istoryang naisulat namin kahapon ay marami sa mga LizQuen supporters ang nag-comment at ang ilan ay nagsama pa ng litrato ng LizQuen bilang resibo.

“Meron. As love team. Magkatabi KathNiel, LizQuen, JaDine, MayWard.”

“KathNiel, Jadine, at LizQuen nandun na po dila sa hallway ng ABS.”

“Anong wala ang tagal nang meron.”

May kumuwestyon pa nga sa pagiging talent manager ni Ogie Diaz dahil hindi niya alam ang ganap sa alaga.

“Ay paano naging manager si Ogie? Alaga niya hindi nya alam na may picture na nakasabiy sa hallway ng ABSCBN ang LizQuen? Gising Ogie Diaz.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)

Taong 2019 nang palitan ng ABS-CBN ang mga litrato na nasa hallway nito dahil na rin hindi ito updated at mga luma na ang pictures ng mga artista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nang palitan ang mga litrato ay kasama ang mga pinakasikat na loveteam sa mga idinagdag na portrait sa hallway gaya nina LizQuen, KathNiel, at JaDine.

Ano kaya ang masasabi ni Ogie Diaz sa isyung ito? Baka naman nakaligtaan niya lang na nakasama na ang kanyang alaga sa mga may portrait sa ABS-CBN Hall of Stars.

Bukas naman ang BANDERA sa pahayag ng talent manager at vlogger ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Liza, Enrique wala pa ring litrato sa hallway ng ABS-CBN; Kim dedma lang sa bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending