'PBB' housemate TJ Valderrama nanganganib matsugi; netizens nagpiyesta | Bandera

‘PBB’ housemate TJ Valderrama nanganganib matsugi; netizens nagpiyesta

Therese Arceo |November 30,2021
facebook
share this

‘PBB’ housemate TJ Valderrama nanganganib matsugi; netizens nagpiyesta

Therese Arceo - November 30, 2021 - 04:46 PM

PBB housemate TJ Valderrama nanganganib matsugi; netizens nagpiyesta

ILANG araw pa lamang matapos ianunsyo ang mga pangalan ng mga posibleng mapalabas sa loob ng “Pinoy Big Brother” (PBB) house ay nangunguna na sa listahan si TJ Valderrama.

Umabot na ng mahigit isang milyon ang boto ni Tj para mapalabas ng Bahay ni Kuya.

Matagal nang inaabangan ng mga netizens na ma-nominate si TJ dahil marami sa mga ito ang hindi nagugustuhan ang pagiging “Marites” nito sa loob ng bahay.

Ngunit mas lalong umigting ang pagkairita ng madlang pipol kay TJ dahil sa pagiging masyadong “close” nito sa kapwa female housemate na si Shanaia Gomez.

Matatandaang nag-trending sa Twitter ang mga hashtags na #ForcedEvictTJ at #ProtectShanaiaGomez dahil tila hindi na angkop ang nagiging actions ni TJ at tingin ng netizens ay nagiging uncomfortable na si Shanaia.

Umabot pa nga sa women’s party-list na Gabriela ang isyu at na tinawag ang pansin ng “PBB”.

Agad naman itong inaksyunan ng “PBB” sa pamamagitan ng pagkausap sa mga housemates kung nagiging uncomfortable na ba sila sa closeness nilang housemates sa loob ng bahay na agad namang pinabulaanan ng mga housemates.

Naglabas rin ng statement ang “PBB” patungkol sa isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by PBB Kumunity Season 10 (@pbbkumunitys10)

“Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na’t kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay.

“Nawa’y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon.”

Sa kabila nito ay marami pa rin sa mga netizens ang hindi kumbinsido dito at kinukwestyon ang naging paraan ng show para i-address ang isyu.

Kaya naman labis ang tuwa ng madlang pipol nang dumating na ang matagal nilang pinakahihintay— ang pagiging nominado ni TJ.

Sa darating na PBB eviction night ay dalawa ang nanganganib na mapalabas sa Bahay ni Kuya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang kasama ni TJ sa listahan ng nominado ay sina Samantha Bernardo, Karen Bordador at Alexa Ilacad.

Mukhang sigurado nang lalabas si TJ ngunit sino nga kaya ang kasabay niya sa paglabas sa outside world?

Related Chika:
‘PBB’ binanatan ng dyowa ni TJ Valderrama: The damage has been done

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending