Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko? | Bandera

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Therese Arceo |November 30,2021
facebook
share this

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

Therese Arceo - November 30, 2021 - 02:57 PM

Xian Gaza pumalag kay Barbie: Bakit hindi si Diego ang magsalita sa publiko?

NAGSALITA na ang social media personality na si Christian “Xian” Gaza matapos ang naging patutsada ni Barbie Imperial kay AJ Raval.

Matatandaang nagsimula kay Xian Gaza ang sigalot ng dalawang dalaga matapos nitong i-chika na nagpunta noon si Diego sa Pampanga para bisitahin si AJ habang naghihintay sa kanya ang sa Manila si Barbie.

Kaya naman sa isang interview ni Boy Abunda kay Barbie ay napag-usapan nila ang mga isyu patungkol sa kanilang relasyon ni Diego kung saan nabanggit ang young actress na si AJ.

“‘Yung about kay AJ Raval, for me kasi, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka.

“For me, bakit parang gusto mo ba nangyayari ‘to lahat, na nagka-‘thing’ kayo ni Diego?

“And I heard, I have a proof ba AJ and Xian Gaza are friends. She feeds him mga info ng mga tsismis,” saad ni Barbie.

Tila nakarating naman ito kay Xian at shinare pa niya ito sa kanyang Fcebook account.

“Fake news ka, sis. Ginawa mo pang source si AJ Raval hahaha! As a matter of fact, sobrang nagalit siya sa akin after ko i-post ang exposé pero sineenxine ko na lang para wala nang mahabang usapan pa,” saad ni Xian.

“Pinili lang niya siguro manahimik ngayon dahol sobrang natito na siya last time nung tsinismis ko sila ni Aljur Abrenica.

“Bakit hindi si Diego Loyzaga ang magsalita sa publiko na hindi totoo ang mga sinasabi ko? Bakit si AJ?” dagdag pa ni Xian.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Matapos pa ang ilang oras ay nag-post muli ang social media personality.

“Bakit naman gugustuhin ni AJ na ma-link siya kay Diego? Pogi ba yan?” sey ni Xian.

May mga shared post pa Xian ng articles kung saan may mga litrato nina AJ, Diego at Barbie.

Sinabi pa nito na halata sa litrato na kung saan makikitang “mas” masaya raw si Diego kasama si AJ kumpara kay Barbie.

Ngunit mukhang ceasefire muna ang ganap sa pagitan nina Xian at Barbie ngunit bagamat walang sinabing pangalan ni Diego ay nagbabala naman ito na kung hindi ito magsasalita ay siya na mismo ang maglalabas ng ebidensya.

“Aminin mo na kasi sa publiko na sabay mo silang pinormahan at niligawan para matapos na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sige depensa sayo yung jowa mo, pinagmumukha mong tanga. Kawawa na. Mukhang desperada.

“Kung hindi ka aamin, ilalabas ko na ang mga ebidensya,” sey ni Xian Gaza.

Related Chika:
Relasyon nina Barbie at Diego iniintriga ni Xian Gaza; pasabog na blind item bentang-benta
Barbie hinamon si AJ Raval: Kung hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending