Relasyong Heaven-Kimpoy fake news: Yung pagmamahalan namin hanggang best friends lang | Bandera

Relasyong Heaven-Kimpoy fake news: Yung pagmamahalan namin hanggang best friends lang

Ervin Santiago |November 30,2021
facebook
share this

Relasyong Heaven-Kimpoy fake news: Yung pagmamahalan namin hanggang best friends lang

Ervin Santiago - November 30, 2021 - 02:17 PM

Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo

“FAKE news” ang kumalat na chika na magdyowa na ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo at singer-vlogger na si Kimpoy Feliciano.

Mainit na pinag-usapan sa social media ang “status” ng relasyon ng dalawa nang magpalitan sila ng sweet message nang magdiwang ng 22nd birthday ang dalaga nitong nagdaang Nov. 25.

Ang feeling ng mga netizens pati na ng kanilang mga supporters at socmed followers ay sila na matapos mag-post si Kimpoy sa Instagram ng birthday message niya para kay Heaven.

“Happy Birthday to this beautiful soul @heavenperalejo. Thank you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise (fingers crossed emoji),” ang caption ng vlogger sa photo nila ng aktres na kuha sa beach at magka-holding hands pa.

Sinagot naman ito ng aktres ng, “Luv u forever beh!!!” Kaya naman mas lalong na-feel ng kanilang mga tagasuporta na may “something” na nga sa pagitan nila.

Ngunit mariin ngang dinenay ni Heaven na boyfriend na niya si Kimpoy. Totoong mahal na mahal daw niya ang singer pero bilang kaibigan lamang.

“Hindi, hindi talaga, as in. ‘Di ba, kapag kunyari yung friend mo, ‘Uy beh,’ ganu’n? Pero kami ni Kimpoy, we are very best friends,” ang paglilinaw ng aktres sa vlog ni Darla Sauler.

Diin pa ni Heaven, “Ano talaga, single ako pero not ready to mingle. Yung kay Kimpoy, guys, masaya lang din na nagkaroon din talaga ako ng kaibigan sa showbiz.

“Yun yung parang thankful kami sa isa’t isa na finally nakahanap ka rin ng kaibigan talaga na lumalabas kahit hindi magkasama sa work.

“So, yung amin talaga ni Kimpoy, yung pagmamahalan namin, e, hanggang best friends lang, guys, okay? Masanay na kayong may kaibigan akong lalaki,” sabi pa ni Heaven.

View this post on Instagram

A post shared by Kimpoy Feliciano (@kimpoyfeliciano)


Samantala, hiningan din siya ng reaksyon ni Darla sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng mga netizens sa socmed.

“Guys alam mo, magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin. Sabi ko nga sa inyo, single ako pero not ready to mingle.

“Kaya, huwag tayo mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue di ba? Yun lang, enjoy lang, Christmas na, o, dapat happy, happy, ganyan,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Heaven Peralejo (@heavenperalejo)

Heaven binatikos ang isang entertainment page: Mukhang mawawalan ng Christmas bonus

Kimpoy Feliciano may promise kay Heaven: Thank you for coming into my life so unexpectedly!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending