P162M jackpot ng Grand Lotto 6/55, nasungkit na | Bandera

P162M jackpot ng Grand Lotto 6/55, nasungkit na

Karlos Bautista |November 30,2021
facebook
share this

P162M jackpot ng Grand Lotto 6/55, nasungkit na

Karlos Bautista - November 30, 2021 - 09:26 AM

FILE PHOTO

ISANG maswerteng mananaya ang nakasungkit ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 sa bola nitong Lunes ng gabi. Tumataginting na P162,347,069 ang premyong kanyang napanalunan matapos na eksaktong makuha ang winning combination na 29-42-12-41-01-35. Hindi binanggit ng Philippine Charity Sweepstakes Office kung saan nabili ang ticket. Sa bola noong Biyernes, isang taga-Oriental Mindoro ang nanalo ng  P378.75. milyon sa UltraLotto 6/58. Habang noong Huwebes ay tinamaan naman ng isang taga-Maynila  ang P16.04 milyong jackpot ng 6/42 Lotto.

Para sa mga nanalo, maaring kubrahin ang premyo sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City. Dalhin ang nagwaging ticket at dalawang valid ID.

Para sa premyong higit sa P10,000, papatawan ito ng 20 porsyentong buwis alinsunod sa TRAIN law.

Ang premyo naman na hindi nakuha sa loob ng isang taon ay itinuturing na forfeited, ayon sa PCSO.

Para sa iba pang resulta, bisitahin ang Lotto section ng Bandera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending