Kyla sa 10th wedding anniversary nila ni Rich: Hanggang ngayon kinikilig at natataranta pa rin ako sa ‘yo

Rich Alvarez at Kyla

MARAMING kinilig sa Instagram post ng Kapamilya singer na si Kyla para sa ika-10 anibersaryo nila ng dating PBA star na si Rich Alvarez bilang married couple.

Ipinost ni Kyla ang litrato nila ni Rich sa IG kalakip ang nakakakilig na mensahe para sa kanilang wedding anniversary.

Ang inilagay niyang caption, “Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako kapag hinahatid mo ako sa trabaho. 

“Natataranta pa rin ako lumabas ng studio kapag nare-receive ko ang message mo na, ‘I’m waiting outside’, tuwing sinusundo mo ako. 

“Parang dati lang nuong nililigawan mo pa lang ako 16 years ago kapag sinasabi mong, ‘I’m outside your house,’ tumatakbo ako palabas ng gate para salubungin kita,” ang pahayag pa ni Kyla patungkol sa asawang dating PBA player.

Patuloy pa niya, “Nae-excite pa rin akong marinig ang, ‘I’m home!’ kapag galing ka sa trabaho. 

“Hindi ko na kailangan sabihin, pero ikaw lang nakakapagpa-taranta sa akin ng ganito. You can ask everyone i know, it’s the truth,” aniya pa.


Sa huli, muling iginiit ni Kyla ang pagmamahal sa mister. 

“Mahal kita simula pa lang nung unang araw na nakita kita. Yihee!!! Kilig ka, noh? Haha! Pero totoo. I love you my sweetheart! Happy 10th year to us!” ani Kyla.

Samantala, sa kanya namang Instagram page, sinabi ni Rich na palaging kasama sa mga ipinagdarasal niya ang kaligayahan ng kanyang wifey.

“Always praying you live your best life and stay happy. I love you,” sey ni Rich.

Sumagot naman sa comment section ng IG post ng dating PBA player si Kyla. Aniya, “I’m the luckiest to have you!”

Kung matatandaan, sikretong ikinasal sina Kyla at Rich noong 2011 at ilang buwan lamang ang nakalipas ay nagpakasal na rin sila sa simbahan noong November, 2011.

Taong 2013 naman nang isinilang ni Kyla ang anak nila ni Rich na si Toby. 

Kyla, muling nakunan: My heart is broken

Kyla umiyak nang mapanaginipan ang ‘nawalang’ baby: I didn’t see her face…

Read more...