Aicelle Santos, Mark Zambrano at Baby Zandrine
WALANG yaya ang panganay ng mag-asawang Aicelle Santos at Mark Zambrano kaya naman talagang literal na hands on mommy at daddy sila ngayon.
Sila mismo ang nag-aalaga, nagpapalaki at nag-aasikaso sa lahat ng mga pangangailangan ni Baby Zandrine.
Kuwento ni Aicelle, tumutulong naman sa kanila ni Mark ang kanilang mga magulang ngunit mas madalas ay siya lamang ang gumagawa ng lahat katuwang ang asawa kapag wala itong work.
“Motherhood is mahirap na masarap. ‘Yung mahirap na part would be it’s because it’s my first time and you know, breastfeeding, ‘yung tutok na pag-aalaga because we have no yaya, but the best part is seeing your child grow,” pahayag ni Aicelle sa panayam ng GMA News.
Sabi pa ng Kapuso singer-actress, “It’s seeing her milestones, my daughter walking, and trying to talk and being so sociable at a young age. I look forward to more milestones.”
Hirit pa niya, “Bihira itong days na naka-makeup ako, nakabihis, kasi most of the time basa lang tayo, pinagpawisan or ni hindi makasuklay. Totoo ‘yun ha, totoo ‘yun.”
Talagang nakalimutan na raw niya ang mga salitang “salon day”. Sey pa niya, “Sino si Aicelle? ‘Yung Aicelle na dalaga who takes care of herself, who goes to what mani pedi and the derma, all these things I don’t know them anymore, kasi ‘yun nga nakatutok ako kay baby. And you want the best for her so 100%.
“Kaya saludo talaga sa lahat ng nanay especially mommies who have children ‘yung maraming sunod-sunod di ba? Amazing!” chika pa ng celebrity mom.
Samantala, may payo rin siya sa lahat ng mga walang yaya sa bahay at may mga anak pang sanggol, “Be ready for all the mess, but also, be ready for, I call it ‘umaapaw sa puso.’
“Those sparks of joys, those moments when you see your child do something new or laugh, y’ung mga bagong ‘yun. Maa-amaze ka talaga and then you’ll forget about everything, about all the problems in the world,” paalala pa niya.
https://bandera.inquirer.net/298664/message-ni-aicelle-santos-sa-bashers-youre-very-welcome-to-unfollow
https://bandera.inquirer.net/280423/aicelle-nangungulila-sa-93old-na-lola-boobay-tekla-wagi-sa-best-choice-awards