Mindanao niyanig ng 5.4 magnitude na lindol

NIYANIG ng 5.4 magnitude na lindol ang isla ng Mindanao ngayong sabado sa ganap na 2:01 ng hapon.

Nagmula ang lindol sa ilalim ng karagatan, 135 kilometro sa timog-silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Walang naiulat na nasaktan o napinsala sa nasabing lindol na naitala sa lalim na 82 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig sa iba’t ibang lakas sa Mindanao. Ito ay ang sumusunod:

Reported Intensities:

 
Instrumental Intensities:

 
Matatagpuan ang Pilipinas sa tinaguriang Pacific “Ring of Fire” kung saan ay madalas ang paglindol at pagputok ng bulkan.

Read more...