Aga kay Janet Lim Napoles: Sa akin, Panginoon na ang bahala sa kanya!

Aga Muhlach at Janet Lim Napoles INQUIRER

MUKHANG na-trauma na nga si Aga Muhlach sa pulitika kaya’t kinumpirma niyang mas pagtutuunan na lang niya ang pag-aartista.

Alam ng lahat na nadaya raw si Aga nu’ng lumaban siya sa pagkakongresista sa ikatlong distrito sa Camarines Sur, at marahil ay ayaw na niyang masundan pa ito.

Kuwento ng host ng Pinoy Explorer sa TV5, “Naka-protest (resulta ng eleksyon sa Camsur), naka-file na ‘yun, sa akin naman, para lang makita kung sino nanalo talaga. Mahal ko mga taga-partido ko, at least nakita n’yo na ang dumi, linisin muna natin at marami pang mangyayari ngayon, so, abangan natin at sana lang talaga, malinis para makausbong na talaga ang bawa’t Pilipino na naghihirap.

“Hindi na (babalik sa pulitika), hindi naman sa hindi, ayaw kong magsalita ng patapos, pero now, pag malinis na (gobyerno),” dagdag nito.

Sabi ng aktor ay sa tamang daan, tamang landas at wala siyang planong baluktutin ito kaya siguro hindi siya nanalo sa nakaraang eleksyon.

Grabe naman ang ibinigay na pasasalamat ni Aga kay TV5 Chairman Manny Pangilinan dahil tinupad daw ng network ang usapan nila na pagkatapos ng pulitika ay bukas pa rin ang pintuan ng Kapatid network para sa kanya.

Ilang buwan ding hindi umere ang Pinoy Explorer mula nu’ng kumandidato si Aga at nagulat nga raw siya nu’ng tawagan mismo siya ni MVP.

“I’m just happy and I wanna thank MVP because right after the election, I was in New york, tumawag siya and he said, ‘Aga don’t worry, nandito kami, hindi ka namin pababayaan, you’re still with us and we need you.’ So, coming from our boss is sobrang nakakatuwa to call me. At sabi ko, ‘Boss salamat.’ And to TV5, thank you. At hindi lang ‘yun, salamat sa fans, sa lahat, sa media na naging kaibigan ko,” masayang kuwento ng TV host-actor.

Tumulak naman si Aga kamakailan patungong Los Angeles, USA para sa isang meeting sa mga taga Warner Bros para sa bagong programa niya sa TV5, “It’s a show that will be presented to me, so pupuntahan namin, kaya ako pupunta sa LA is to meet the host and meet the producers and will talk about it and then start na,” aniya.

Samantala, tinanong namin ang aktor kung may sasabihin siya kapag nakaharap niya ang kontrobersiyal na si Janet Lim Napoles?

“Ha, naku hayaan mo na siya, Panginoon na ang bahala sa kanya,” malamang sabi ng Pinoy Explorer host.

Read more...