Pinagmulta ng $15,000 ang star ng Los Angeles Lakers na si LeBron James dahil sa isang “malaswang” sayaw at nagbabala rin ang mga opisyal ng National Basketball Association matapos na siya ay magbitiw ng mga bastos na salita sa isang press conference.
“LeBron James has been fined $15,000 for making an obscene gesture on the playing court and warned for using profane language during media availability,” ayon kay Byron Spruell, tagapagsalita ng NBA, nitong Biyernes.
Sa huling bahagi ng fourth quarter ng overtime win ng Lakers laban sa Indiana Pacers noong Miyerkules, isang deep three point shot ang ginawa ni James. Pagkatapos nito ay hawak-hawak niya ang kanyang bayag habang isinasagawa ang “Big Balls Dance.”
Ito ang ikalawang beses ngayong linggo na napatawan ng disciplinary action si James.
Noong Linggo, sinuspendi siya ng isang laro dahil sa madugong engkwentro kay Isaiah Stewart ng Detroit Pistons. Ito ang unang pagkakataon na nasuspendi si James.
Resulta nito ay wala siya nang magharap ang Lakers at New York Nicks noong Martes. Wagi ang Knicks, 106-100.
Kinondena ni James ang one-game na suspensyon niya, at sinabi niya sa mga mamamahayag na ito ay “some bull—-.”
Bumalik siya sa court nitong Miyerkules para kaharapin ang Indianapolis Pacers at naka-score ng 39 points sa isang 124-116 overtime win. At dito na nga niya isinagawa ang ngayon ay kontrobersiyal na “bayag dance.”
Samantala, nagbabala rin ang NBA nitong Biyernes laban sa paggamit ni James ng “bastos na salita” sa harap ng media.
The following was released by the NBA pic.twitter.com/zdlvoJQUs3
— NBA Communications (@NBAPR) November 27, 2021