Tatlo sa anim na bansa sa Africa na itinuturing na mapanganib dahil sa kumakalat na bagong mabagsik na variant ng Covid-19 ay nananatiling nasa “green list” ng Pilipinas.
Kabilang pa rin ang South Africa, Namibia at Zimbabwe sa listahan ng 44 na bansang ang mga mamamayan ay maaaring maglakbay sa Pilipinas.
Ang tatlong bansang ito, pati na rin ang Lesotho, Botswana at Eswatini, ay nasa “red list” ng United Kingdom at hindi na nila pahihintulutan ang pagpasok ng mga manlalakbay mula rito.
Dulot na rin ito ng kumakalat na bagong variant ng Covid-19 na ayon sa mga eksperto ay mas malala kaysa sa mga naunang klase.
Nagbabala ang mga siyentista ng UK nitong Huwebes ng gabi sa pagkalat sa South Africa ng B.1.1.529 variant, na sinasabing mas nakakahawa at maaring hindi umobra ang kasalukuyang bakuna.
Umaabot na sa 59 ang kumpirmadong kaso na naitala sa South Africa, Hong Kong at Botswana. Nasa “green list” pa rin ng Pilipinas ang Hong Kong.
Higit pa sa 30 ang mutation ng bagong variant, dalawang beses ito na mas marami sa Delta variant.
Narito ang kumpletong listahan ng mga bansang nasa “green list” kung saan ang mga mamamayan ay maaring pumasok sa Pilipinas:
- American Samoa
- Bhutan
- Chad
- China (Mainland)
- Comoros
- Cote d’Ivoire (Ivory Coast)
- Falkland Islands (Malvinas)
- Federated States of Micronesia
- Guinea
- Guinea-Bissau
- Hong Kong (Special Administrative Region of China)
- India
- Indonesia
- Japan
- Kosovo
- Kuwait
- Kyrgyzstan
- Malawi
- Mali
- Marshall Islands
- Montserrat
- Morocco
- Namibia
- Niger
- Northern Mariana Islands
- Oman
- Pakistan
- Palau
- Paraguay
- Rwanda
- Saint Barthelemy
- Saint Pierre and Miquelon
- Saudi Arabia
- Senegal
- Sierra Leone
- Sint Eustatius
- South Africa
- Sudan
- Taiwan
- Togo
- Uganda
- United Arab Emirates
- Zambia
- Zimbabwe
Habang sinusulat ang balitang ito, wala pa ring ipinapalabas na rebisyon sa listahang ito ang Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases.
KAUGNAY NA BALITA
Bagong variant ng Covid-19 sa South Africa, pinangangambahang mas nakakahawa