BLACKPINK Jisoo, Jennie at Rosé negatibo sa COVID-19

BLACKPINK Jisoo, Jennie at Rosé negatibo sa COVID-19

MAKAKAHINGA na ng maluwag ang mga supporters ng Kpop group na BLACKPINK matapos magnegatibo ang mga ito sa COVID-19 test ayon sa statement na inilabas ng YG Entertainment ngayong araw, November 25.

Agad kasing sumailalim sa RT-PCR tests ang natitirang miyembro ng BLACKPINK matapos magpositibo ang isa sa mga members na si Lisa na ini-report kahapon, Nobyembre 24.

“Following their real time RT-PCR tests, BLACKPINK’s Jisoo, Rosé, and Jennie have received negative confirmed results,” saad ng YG Entertainment.

Bagamat hindi classified bilang “close contacts” ang iba pang miyembro ng BLACKPINK ay agad pa rin silang nagsagawa ng COVID-19 tests matapos lumabas ang positibong resulta ni Lisa.

Ayon pa sa YG Entertainment, nasa “good state” naman ang miyembrong si Lisa at hindi ito nakikitaan ng anumang serious symptoms ng nakahahawang virus.

“Lisa was informed of her confirmed diagnosis on November 24 ahead of plans to film video content. Lisa’s health is in good state, and she did not exhibit any special symptoms,” dagdag pa nila.

Sinisiguro rin ng agency ang mga fans ng BLACKPINK na lahat ng miyembro niyo ay vaccinated at minomonitor rin nila ang kalusugan ng mga ito.

“All four members of BLACKPINK have been completely vaccinated for COVID-19, and the company and our artists have been paying special attention to [their] health and safety through regular pre-emptive tests.”

Related Chika:
Lisa ng Blackpink tinamaan ng COVID-19; iba pang miyembro ng grupo nagpa-PCR test agad

Read more...