Joross Gamboa
SUCCESSFUL ang isinagawang operasyon sa Kapamilya actor na si Joross Gamboa matapos magka-injury sa binti nang dahil sa pagba-basketball.
Ito ang masayang ibinalita ng celebrity dad sa kanyang mga social media followers kamakalawa, Nov. 23.
Nag-post ang aktor sa Instagram ng litrato habang nasa kanyang hospital bed na kuha pagkatapos ng matagumpay niyang surgery kung saan pinasalamatan din niya ang mga doktor at nurse na nag-alaga sa kanya.
Aniya sa caption, “Thank You Lord for a successful operation thanks to all the staff and nurses na nag-alaga sakin. Special thanks to Doc Wowie Yap na talagang tinutukan ako from Day 1. Road to recovery na tayo!”
Siyempre, may special shoutout din siya sa asawang si Kathy Kimberly Saga na wala ring sawa sa pag-aalaga at pag-umawa sa kanya kahit ano pa ang mangyari.
“Thank you @katz_gamboa my wife. Mahal na mahal kita at naa-appreciate ko lahat ng ginawa mo at patuloy mong ginagawa sa ‘kin at sa family natin!” mensahe ni Joross kay misis.
Dagdag pa niya, wala na raw siyang mahihiling pa para sa kanyang 37th birthday ngayong darating na Linggo, Nov. 28.
Bukod dito, nangako rin ang aktor na handa siyang ibigay ang anumang gustuhin at hilingin ng kanyang pinakamamahal na wifey sa kanilang 7th wedding anniversary ngayong Nov. 29.
“Ang bilis ng panahon 13 yrs. together na tayo! All Glory to God! God is Good talaga!” sabi pa ni Joross sa kanyang IG post.
Kung matatandaan, nitong nagdaang Nov. 13 ibinalita ng aktor na ooperahan siya matapos magkaroon ng injury habang naglalaro ng basketball.
Aniya sa ipinost na video sa IG, “Nag-basketball kami sa 3rd floor, naglaro kaming 3 vs 3 tapos yung pagtakbo ko biglang may pumutok na malakas (may napigtas).
“Alam niyo feeling ng may humampas ng dospordos sa binti? Malamang hindi basta parang ganun. ‘Di masakit sa simula gulat lang akala ko nga may multo nun kasi walang tao sa likod ko.
“Tapos dahan dahan ng sumasakit taas ng sakong ko ayun napigtas na nga Achilles ko,” aniya pa.
Dagdag pa niyang paalala sa mga mahilig sa sports pati na sa mga nagwo-workout, “Napaka-importante talaga ng stretching sa simula. Eto lang ata yung time na naglaro ako ng ‘di nag-todo stretching kasi late kami dumating. Kaya sa inyong lahat mag-iingat kayo parati.
“Ooperahan nako next week ‘pag wala na maga. 6 months recovery depende sa pagiging masunurin ko sa therapy.
“Basta ni-lift up ko na lahat kay God kaya kahit ganito situation ko circumstances ko I still have Joy and Peace. Because of Jesus Christ my Lord and Savior! Godbless everyone,” pahayag pa ng aktor.
Kasunod nga ito ang IG post niya na kuha sa loob ng ospital kalakip ang mensaheng, “Getting ready for my Achilles operation! God bless everyone! Praying for a smooth operation and a quick recovery in Jesus Name!”
Samantala, kabilang si Joross sa supporting cast ng upcoming Kapamilya series na “Flower of Evil” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Lovi Poe.
Ito ay ang Philippine adaptation ng the hit South Korean series na may katulad ding titulo na ipo-produce ng Dreamscape Entertainment.
https://bandera.inquirer.net/298325/joross-sumailalim-sa-achilles-operation-matapos-magka-injury-sa-pagba-basketball
https://bandera.inquirer.net/292472/tambalang-joross-roxanne-click-pa-rin-lovi-zanjoe-lalaban-sa-44th-gawad-urian