Bela Padilla umalis na ng Pinas, sa London na titira kasama ang dyowang Italian?

Bela Padilla at Norman Ben Bay

IKINAGULAT ng mga fans at social media followers ni Bela Padilla ang naging desisyon niya na iwan na  ang Pilipinas para manirahan sa London.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, ibinalita ng actress-writer at direktor na ilang buwan na ang nakalilipas mula nang magtungo siya sa London para doon na tumira.

Rebelasyon ng dalaga, “So, I moved to London a few months ago. And I tried to find my footing first before sharing what it’s really like (red heart emoji).

“Now, I’m ready to let you in to my life and tell you more about it! Ask me anything you’d like to know about my move and I’ll answer as much as I can in a video,” tweet ni Bela.

Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming tanong sa kanya ng netizens.

“Did you move to London so you can get closer to Harry Styles?”

“What do you do in London? Source of income I mean.”

“Are you not pursuing acting??? Why there is a big change for you?? Are you planning to settle down for good????”

“How does it feel to be around with someone who looks exactly like Harry Styles every day? I genuinely want to know! Hehe.”

“Don’t be gone for so long, we will miss you here.”

“When you say ‘I moved to London,’ does that mean for good, indefinitely, or for the time being?

“Are you planning to write a book about your stay there or about po sa kahit na anong bagay, and if yes, ano pong magiging tema or title ng book?”


Samantala, nag-comment naman ang kanyang boyfriend na si Norman Ben Bay sa kanyang tweet, “I’m just happy I get to see a lot more nowadays.”

Wala namang nabanggit si Bela kung kailan siya babalik ng Pilipinas o kung may balak pa ba siyang umuwi. O baka naman doon na siya mamamalagi kapag ikinasal na sila ni Norman? 

Read more...