Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!

Saab sinupalpal ang netizen na nangnega sa kanila ni Maxene: Kaka-computer mo yan!

SINUPALPAL ni Saab Magalona ang isang netizen na nang-iintriga sa relasyon niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si Maxene Magalona.

May mga kumalat kasi na chika na diumano’y not in good terms ang dalawa ngunit pinatunayan ni Saab na mali ang mga kumakalat na chismis patungkol sa kanila.

Nitong Nobyembre 23 ay sabay na nagdiwang ng kaarawan sina Saab at Maxene.

Ibinahagi ni Saab sa kanyang Instagram story ang isang netizen na nangne-nega sa kanila ni Maxene.

“The world does not revolve around your feelings. Matuto ka magpakumbaba ag magpatawad sa ate mo. Bakit? Ikaw lang ba may pinagsdaraanan? Yung ate mo ba wala… Huwag puro feelings mo lang iniisip mo,” saad ng netizen na may username na fiveyearplanner.

Ipinakita naman niya ang screenshot ng kanyang pagbati kay Maxene privately.

“Happy bday Maxx. Miss you and love you always and you are always in my heart,” bati ni Saab kay Maxene.

Ani pa ni Saab, ang comment ng netizen ay ang “when they think they know better” version ng story habang ang screenshot naman ng kanilang convo ang “what actually goes on in private” version ng kanilang relasyon.

Sey pa niya sa netizen, “Kaka-computer mo yan.”

Binati naman ni Maxene si Saab sa kanyang Instagram account kung saan nag-post siya ng larawan nila ni Saab noong bata pa sila at parehas na may short hair.

“Sisters don’t need daily conversations. They din’t always need to be together. As long as they live in each other’s hearts.

“Happy birthday, @saabmagalona!

“This is my soul honoring yours. God bless you always,” bati ni Maxene.

Marami naman ang natuwa at finally, natuldukan na ang chika na magkaaway sila.

Well, magkapatid pa rin naman sila kahit anong mangyari and at the end of the day, sila sila ring magkakapatid ang aalalay sa isa’t isa kaya isang magandang balita na maayos ang kanilang relasyon taliwas sa balitang mag iringan sa pagitan nilang mag-ate.

Related Chika:
Maxene sa paglaban sa mental health problem: It’s OK not to be OK…

Read more...