Nais mag-asawa

Sulat mula kay Nestor ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Kinakabahan na ang dahil sa edad kong 28 ay hindi pa ako nagkakaroon ng kasintahan.  Meron naman akong trabaho.  Ibig kong isangguni sa inyo ang bumabagabag sa akin dahil wala pa akong girlfriend.  Sana’y bago sumapit ng 30-anyos ay may asawa na ako.  Sana masagot ninyo ang tanong ko kung kailan ako makakahanap ng girlfriend at makapag-aasawa. July 17  ang birthday ko.
Umaasa,
Jerome ng Camiares Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kahit na 27 years old ka na sa kasalukuyan, hindi ka dapat mag-alala, dahil tiyak na magkaka-girlfriend ka sa taon ding ito ng 2013 at makapag-aasawa, sa susunod na taong 2014 sa edad mong 28 pataas.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of  Clubs at Ten of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa uwan ng Oktubre, isang babaing may initial na B. o kaya’y J. ang iyong makikilala, siya ang magiging girlfriend mo hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Itutuloy…..

Read more...